MGA SANAYSAY



Narco-Pilipinas

ni: Gabriele Talub

Kung titignan natin ang Pilipinas ngayon, ano ang pinakamalaking problema nito? Walang iba kundi ang pagpatay sa mga umano’y drug addict o Extrajudicial Killings. Pero dahil ditto nakakalimutan natin ang pinakasanhi nito, ang mismong droga.
Ang pagkalulong sa sa illegal na droga ay laging nagsisimula sa mga salitang ita, “Subukan lang natin.” Sinubukan nga nila nang sinubukan, hanggang sa puntong sila’y nalulong na. Ang masama pa ay nalululong ‘din dito ang mga kabataan, dahil sa mga masasamang impluwensya. Hindi nila namamalayan, ang nagpapasaya sa kanila, ay unti-unti din silang pinapatay, at dahil sa droga sila’y nakakagawa ng mga krimen tulad ng rape at minsan sila’y nakakapatay din. Sabi nila, bukod sa kahirapan, ang droga ang pinaka-karaniwang sanhi ng krimen. Pero, ang kahirapan din ay sanhi ng paggamit ng droga, maraming tao ay walang makain, kaya sa droga nalang sila umaasa, para di maramdaman ang gutom. Dahil sa droga, nakikita din natin ang korapsyon sa ating gobyerno, marami palang mga politico ay nagtatanggol at nagsusupply ng droga sa mga drug-lord. Sa madaling salita, maraming krimen sa ating bansa ay nagsisimula sa ilegal na droga.
Hindi mawawala ang EJK, kung hindi magbabagong-buhay ang mga drug addict. Mayroon nga akong nakitang post sa Facebook, “Kahit sino ‘man ang president mo, kung ayaw mong magbago, hindi din magbabago ang kalagayan ng bansa.” Kooperasyon, ayan nalang talaga ang kulang sa ating bansa ngayon. Kapag mayroon tayong kooperasyon, maabot na din natin ang pinapangarap na magandang kinabukasan.




"Nasa Huli ang Pagsisisi”
Ni: Geraldine Bielle F. Espiritu

            Ang bawat kilos na ating gagawin ay paniguradong may kaakibat na responsibilidad. Responsibilidad na kung saan ay dapat handa tayong panindigan ang anumanng kahahantungan nito.  Kinakailangang may sapat na kaalaman tayo bago tayo gumawa ng desisyon sa buhay upang maiwasan ang mga pagsisisi.

            Ang lipunan ay punong-puno na ng samu’t saring mga isyu o problema. Taon-taon, pataas ng pataas ang bilang ng mga kabataang nabubuntis at pababa ng pababa ang edad ng mga kabataang nabubuntis. Hindi rin natin masisisi ang mga kabataan sapagkat may pagkakataon ring nagkukulang ang kanilang mga magulang. Simulan natin ang pag-aksyon sa isyu sa pamamagitan ng pagmumulat ng mga mata ng kabataan at sa pagpapaliwanag ng mga maaring kahinatnan ng kanilang gagawin. Kinakailangang alamin rin ng mga magulang ang mga kaibigan o barkadang sinasamahan ng anak at tiyakin kung sila ay nagdudulot ng maganda at mabuti sa iyong anak at hindi nagtuturo ng mga masama at hindi magandang gawain. Ngunit lahat ng bilin ng mga magulang ay walang epekto kung wala kang disiplina. Kinakailangang isipin mo na may tamang oras at pagkakataon para sa lahat ng bagay kaya’t hindi mo kinakaialngang magmadali. Hindi kinakailangang gawin mo ang bagay na iyon dahil iyon ang uso, kinakailangang pag-isipan ito ng tama at hindi basta-basta magdesisyon. Hindi mo kailangang makisabay sa uso, ang kailangan mo ay panindigan ang linya ni Rizal na, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.”


            Lahat ng bagay ay higit na mas maganda at mas maayos kung ito ay nakaayon sa panahon at pagkakataon. Tayo lamang rin ang mahihirapan sa huli dahil pagkatapos ng lahat, tayo pa rin ang haharap sa mga responsibilidad na kinahantungan ng ating mga desisyon. Makinig tayo sa ating mga magulang dahil alam nila kung ano ang makabubuti para sa atin. Bilang mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan, tayo ay dapat magsumikap sa pag-abot ng ating mga pangarap at isawalang bahala ang lahat ng mga bagay na alam nating magdudulot ng hindi maganda para sa atin.




Kanser
ni: Florianne Joyce G. Morales

Kung walang corrupt, walang mahirap.” Ito’y isang pamilyar at pamosong islogan na nakilala mula sa ating dating pangulo, na si Benigno “Noynoy” Aquino III. Ngunit tama nga ba ang mensahe ng islogan na ito? Talaga nga bang ang korupsyon ang ugat ng lahat? Pero higit sa lahat. Ano nga ba ang korupsyon?
Ang korupsyon o pangungurakot ay ang tumutukoy sa kawalan ng integridad at karapatan ng mga nasa posisyon sa gobyerno sapagkat sila’y nagnakaw sa kaban ng bayan para sa kanilang sariling kapakinabangan, na siya naman talgang laganap na sa mundo, lalong-lalo na rito sa Pilipinas. At naniniwala ako na talagang ang korupsyon ang siyang puno’t dulo ng iba pang mga isyung kinakaharap n gating lipunan sa ngayon. ‘Pagkat kung ang pondo ng ating pamahalaan ay nagamit para sa mga proyektong makatutulong sa ating bansa, edi sana maunlad at masagana na ang Pilipinas. Kung nagamit lamang ang mga pondong iyon upang mabigyan ang bawat isang Pilipino ng pagkakataon upang makapag-aral, edi sana lahat ay mgakakaroon na ng mga sapat na kaalaman na tiyak na makakatulong upang makakita ng magandang hanapbuhay. Kung matutugunan lamang sana ang pangangailangan ng bawat isa, edi wala na sanang ngahihirap at nagugutom. Kung wala na sanang nagdudusa mula sa kahirapan, edi sana’y wala na ring mga naaakit na gumawa ng mga krimen at gumamit ng droga. Kung wala na sanang mga ganid na opisyal, na ang alam lang ay magnakaw at isipin ang kanilang sarili lamang, edi sana’y wala ng korupsyon; korupsyon na siyang nagdudulot ng hirap at pasakit sa mga taong naaapakan ng mga corrupt na opisyal, lalong-lalo na sa mga aba at walang kapangyarihan.
Ating bigyang lunas ang kanser ng lipunang matagal nang nagbibigay ng hirap sa ating pamayanan. Piliin natin ang mga talagang karapat-dapat na umupo sa posisyong nagdudulot ng malaking epekto sa ating lahat. At sa huli, huwag nating hayaang lamunin tayo ng pagiging makasarili at ganid sapagkat sa huli, hindi lamang ikaw ang maapektuhan, kundi pati na rin ang mga taong sa iyo ay nagtiwala.


 “Tagu-taguan”
Ni: Marc Emmanuel S.J. Ramos
           
“Tagu-taguan maliwanag ang buwan, magtago na kayo nandyan na ang pulis.” Hayan na siguro ang pinakasikat na kanta sa ating lipunan ngayon sa dami-rami na ng krimen at kasamaan sa ating bayan pero bakit kaya sila patuloy sa paggawa nito?
Sabi nga nila, “ang lahat ng bagay ay may dahilan” lalo na kapag masama ang nagawa. Maaaring nangangailangan talaga sila para sa kanilang mga mahal sa buhay o napipilitan lang at hindi makaalis sa mga sindikato. Ngunit hindi sapat ang kahit na anong dahilan para gumawa ka ng masama, Malaki man o maliit. Palaging may mas epektibo at mabuting paraan para masolusyonan ang mga problema. Nakakalungkot lang dahil ang ibang tinuturing nating mga lider ay gumagawa rin ng masama at kung minsan ay sila pa ang gumagawa ng malalaking krimen sa ating mamamayan at lipunan. Pero sa kabila ng lahat, alam naman nating lahat na tayo ay may pagkakataon upang magbago.
Ikaw, kaya mo bang maiba at magpakatino laban sa anumang pagsubok o makikisali ka lang sa kanilang tagu-taguan?


Ibinulsang yaman
ni: EJ GIMOTEA

            Sa Lupang aking ginagalawan dito sa mundong punong-puno ng kasalanan , korupsyon ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang isang bansa kasama na ang bansang aking kinalakihan , ang Pilipinas. Korupsyon ay isang masamang gawain ng mga politico dito sa ating bansa na iniisip lamang nila ay ang kanilang pansariling kapakanan kesa sa kapakanan ng nasasakupan nila.
            Bata pa lamang ako namulat na ang aking isip sa kahirapang dinadanas ng aking pamilya dahil iyon sa daming kaltas sa sweldo ng aking magulang upang maging pondo ng ating gobyerno. Ngunit habang lumilipas ang mga taon mula sa pagiging bata, ako’y napapaisip saan nga ba talaga napupunta ang taxo ng bawat manggagawang Pilipino dito sa bansa kasama na ang buwis na kinakaltas sa sweldo ng aking mga magulang. Samu’t saring balita ang naglalabasan tungkol sa mga nawawalang yaman ng bansa tila’y ito na ang krimeng karumal dumal na ginagawa ng mga nasa posisyon dito sa ating bansa, ang hindi paggamit ng kanilang kapangyarihan sa paggawa ng kabutihan sa kanilang nasasakupan at higit sa lahat ang krimeng pagnanakaw mula sa mga manggagawang Pilipino. Nakakapanghinayang ang ganitong isyu ng korupsyon sa mga manggagawang Pilipino dahil labis nilang pinaghihirapan ang perang kinikita nila upang matustusan ang kanilang pamilya at makaambag ng yaman ng ating bansa. Kung magpapatuloy ito ano na lamang ang mangyayari sa mga mahihirap nating kababayan mas lalo pa silang maghihirap at babagal ang pag-unlad ng ating bansa. Nawa’y dumating ang araw na matatakot na ang mga nasa gobyerno na mangurakot sa kaban ng bansa at mapanagot ng habang hubay
            Sa huli ang hiling ng bawat mamamayang Pilpino ay mapanagot ang mga nasa likod ng krimen ng korupsyon sa ating bansa, mapanagot habang buhay at di papayagang makapagpiyansa. Bilang isang Pilipino paano ka makakatulong sa pagsugpo ng korupsyon sa bansa?

Mga Komento