MGA TULA

GABRIELE TALUB

BAYANG NANGANGANIB

Ano ba ang nangyayari sa lipunan?
Punong-puno ng galit at karahasan.
Pagnanakaw, kawalan ng karapatan,
At ang mga dukha nilalapastangan.

May kapangyarihan ‘man tayong maghalal,
Ngunit ating binoboto, mga hangal!
Di nila pinapansin an gating dangal
At nagbabalotkayo silang marangal.

Nagtiwala tayo sa tiwaling pulis,
Kapag nahuli, sila’y nagmamalinis.
Sabi nila, ‘di sila nagmamalabis
At akala mo sila pa ang nagtiis.


Maraming kriminal ang napapapatay
Sapagkat ayaw nilang magbagong-buhay
Dahil wala sila ibang hanap-buhay
Sa krimen nalang sila nakasalalay

Ang sabi, “Wag mawawalan ng pag-asa”
Dahil dito, maraming naniniwala
Pakiusap ko, tayo’y magbago na
Bago ang pag-asa’y tuluyang mawala.



BINABALEWALA

Napakaganda ng mundo natin ngayon
Kumpara mo sa sinaunang panahon
Bagong teknolohiya at inobasyon
Bunga nito, napakatinding polusyon.

Sobrang daming nabubuo na programa
Nang mabawasan ang dami ng basura
Ngunit ito’y ating binabalewala
Tuloy parin ang pagkalat sa kalsada

Mga ilog na dati, malilinis pa
Tinatambakan nalang ngayon ng lupa
Dahil dito, ang baha ay tumaas pa
Mga baha na mabagal pang humupa

Tayo na nga ay pinakikiusapan
Na huwag magkalat sa silid-aralan
Tinapon mo at hindi pinanindigan
Pero sa huli, ikaw ang nahirapan


Ngunit mahaba pa ang ating panahon
Na ayusin an gating sinira noon
Huwag sayangin ang pagkakataon
Dahil ito ay likha ng Panginoon.



ANG 3 PANGARAP

Tayo’y may pangarap na gusting abutin
Mga pangarap na ‘sing taas ng mga bituin
Kaya’t sa pamamagitan ng tulang ‘toh
Ipapahayag ang tatlong pangarap ko.

Pangarap kong tapusin ang kolehiyo
At magkaroon ng magandang trabaho
Bunga ito ng lahat ng paghihirap
At dito, natuto akong magsumikap

Pangarap ko umunlad ang ating bansa
Mula sa lahat ng krimen at masama
Nang maging maganda ang kinabukasan,
Ng mamamayan at kabataan.

Pangarap kong lupigin at labanan
Ang lahat ng aking kinatatakutan
Dahil kung lahat ito’y hinarap ko na
Ako ay magiging tunay na malaya

Lahat tayo may kanya-kanyang pangarap
At may kanya-kanya din itong paghihirap
Ang pagkakataon ay huwag sayangin
At ang pangarap mo’y maabot mo ‘rin.



ANG MUNTING GARBO

Kilala mo ba si Gabriele Talub?
Alyas Choke, alyas Gabo, alyas Gabo

Maliit ‘man siya sa inyong paningin
Hangad niya kayo ay pasayahin

Mahilig siya sa musika at agham
Sa larangan ng Ingles marami siyang alam.

Tuna nga, natatangi siya iba
Sapagkat siya’y maGARBO talaga.


BANGON, AKING BAYAN

Bayang magiliw, perlas ng silanganan
Di kaduda-dudang ganyan ang ating bayan

Kahit sino o ano kalaban
Ang mga Pilipino ay lalaban

Sa kabila ng korapsyon at kahirapan
Sila’y nakakahanap ng paraan

Pinagsamang kusa at pananalig sa Panginoon

Ang Pilipinas, laging makakabangon.




GERALDINE BIELLE ESPIRITU




“NAGDURUSANG MUNDO”
Ni: Geraldine Bielle F. Espiritu
I
Sa kabila nitong pag-unlad ng tao
Ay patuloy na pagdurusa ng mundo
Hindi na maaring solusyonan
Ngunit maari pa nating iwasan
II
Naalala mo ba ang mga basura
Na iyong nakita kaninang umaga
Ito’y nakakalat lamang sa kalsada
Pero iyong isinawalang bahala
III
Napapansin mo pa ba ang mga ilog
Mga bayan tuwing may bagyo ay lubog
Resulta ng pagputol ng mga puno
At polusyon na kumakalat sa pulo
IV
Naamoy mo ba ang mabahong hangin?
Basura ay nakita sa ‘yong pagtingin
Langhap mo ang hanging nakakasulasok
Ito ay nagmumula sa mga usok
V
Halina at simulan nating aksyunan
Ang problemang malabong masolusyonan
Ngunit tayo ay dapat pa ring kumilos
Upang maiwasan na ang mga unos



“ANINONG SINASALAMIN”
Ni: Geraldine Bielle F. Espiritu
I
Siya’y isang simpleng babae
Na ang mukha’y puno ng ngiti
Bakas sa kanyang mga mata
Ang saya sa bawat araw na dumaraan
II
Natatangi sa ibang kababaihan
Sapagkat siya’y may angking talento
Na walang katulad
At kailanma’y hindi mapapantayan
III
Totoo nga na ang bawat nilalang
Ay may kahinaang taglay
Hindi ko maikakaila na sa kabila ng ngiti
Ay ang nakatagong hikbi
IV
Ang natatanging puhunan
Ay ang malakas na pananalig sa Poong Maykapal
Bagkus, sa kabila ng mga hamon sa buhay
Ay alam niyang may plano ang Diyos
V
Isang babaeng handing suungin
Ang landas na walang kasiguraduhan
Ngunit patuloy na maniniwala
Na sa dulo ay laging may bahaghari



“PERLAS NG SILANGAN”
Ni: Geraldine Bielle F. Espiritu
I
Pitong libo’t mahigit na pulo
Na pinagsama-sama
Pinalilibutan ng katubigan
Archipelago ang tawag
II
Maunlad na likas yaman
Kasaganahan ang maidudulot
Hindi lamang kultura
Bagkus pati wika’y makulay
III
Bayaning magigiting
Na kailanma’y di pasisiil
Tahanan ng mga bayani
Buhay ay iaalay para sa bayan
IV
Maimpluwensyahan man ng iba
Mananatili ang kulturang Pilipino
Sakupin man ng banyaga
Bughaw pa rin ang mamamayani
V
Hindi babagsak bagkus ay babangon
Mula sa kahit anong delubyo at trahedya
Pilipino ang kaniyang mamamayan
Ngala’y Pilipinas




“PAGLAYAG”
Ni: Geraldine Bielle F. Espiritu
I
Sa pagmulat mo ng iyong mga mata
Ito ay isang panibagong simula
At isang panibagong pagkakataon
Upang magtagumpay sa tamang panahon
II
Pag-abot ng pangarap na nagniningning
Ang mga pagsubok ay kusang darating
Na dapat nating harapin ng may tapang
At ‘wag magpa-apekto sa mga hadlang
III
Darating ang puntong mahihirapan ka
Ngunit “laban lagi” ang iyong iwika
Tayo’y dapat patuloy na magsumikap
Sa pagtupad ng ating mga pangarap
IV
Tayo ay may kani-kaniyang pangarap
Na ating aabutin sa hinaharap
Kaya’t simulan mo na ang iyong paglayag
At ang pangarap mo ay iyong ihayag
V
Handang-handa na ang kapitan na ito
Sa paglayag ng kanyang sariling barko
Na ‘di lulubog kahit anong mangyari
Patuloy ang laban hangga’t maaari




“MADILIM NA MUNDO”
Ni: Geraldine Bielle F. Espiritu
I
Iyo ngang pagmasdan an gating lipunan
Makikita mo ay puro karahasan
Tiwali na ang ating pamahalaan
Abusado pa ang mga mamamayan
II
Mga nangyayari ay hindi patas
Tao’y sumusuway sa haliging batas
Sila na mga dapat na nagtatanggol
Ngunit sila ay tumatanggap ng suhol
III
Droga ang syang lagging laman ng balita
Mga biktima, di pinagsasalita
Pinapatay na lang sila ng basta-basta
Kumpara mo sa hayop, mas maselan pa
IV
Sila na nasa luklukan ng gobyerno
Sila’y hindi magtatagal sa pwesto
Kapangyarihan nila’y inaabuso
Isipin ang iba, pairali’y puso
V
‘Wag iboto ang hindi karapat-dapat
Ating ihalal taong may pusong tapat
Kalinangang isip ay pairalin
‘Wag magpadala sa tuksong kasamaan




MARC EMMANUEL RAMOS


“Pangako, Takbo”
Ni: Marc Emmanuel S.J. Ramos

I
O aking bayan, kamusta ka na kaya?
Pera’t yaman mo’y nasa bulsa mo pa ba?
‘San man tumingin, marmaing tumatakbo.
‘Nasan na mga pangakong iniwan niyo?
II
Sa pangangampanya, tagisan ng dila.
Ginawa ang lahat para lang mauna.
‘San man pumunta, lahat ay yumayaman
Mabuti ngunit sa masamang dahilan
III
Kapag ika’y problemado’t may kailangan,
alam na sila ang dapat lapitan.
Kanilang tulong ay iyong aasahan
mula sa salita nilang binitiwan.
IV
Hayan, umabot nan g magpakailanman.
‘Di moa lam ikaw pala’y nanakawan.
Kawawa ka na nga, kinawawa ka pa
Sana sa susunod sila’y makonsensya.
V
Lingkod sa bayan at para sa sarili.
Kahit kalian, hindi tayo magwawagi
Kung iisipin lamang mga sarili.
Nandiyan na ang pulis, takbo, dali!



“Kendi”
Ni: Marc Emmanuel S.J. Ramos
I
Nung ako’y bata pa, tumingin sa bituin
nagplano kung ‘pano ko ‘to aabutin.
Malayo man ang daan kong tatahakin
sipag at dasal ang aking gagamitin
II
Sa simula pa lang, ako’y tuwang-tuwa
nag-isip na ang pangarap ay sukuan.
Hindi ko alam kung ‘pano ‘to lalampasan,
bumili ng kendi upang maganahan.
III
Patuloy ako sa aking paglakbay
nagbabalat na ang kaing mga kamay.
Ang pag-abot sa pangarap ay ‘di biro.
Kailangang magtiyaga at ‘wag sumuko.
IV
Kahit naiinip, aking titiisin
nasimulan na kaya dapat tapusin.
Humanap ng gabay at ng inspirasyon
mararating mo ‘to sa tamang panahon



“Huwag lang sa Imahinasyon”
Ni: Marc Emmanuel S.J. Ramos
I
Tumingin sa taas, maganda ang langit
at dahil ito ako’y napapa-awit.
Dumilim at umulan sa biglang saglit.
Diyos ko, boses ko’y iyong pinagkait.
II
Sa malayo, barbero’y aking nakita.
Nagtakip ng mukha para ‘di halata.
‘pagkat ito’y dati pang pinagbawalan.
‘Wag mong kalbuhin an gating kagubatan.
III
Tingnan mo ang isda, ‘di na kumukurap.
Sari-saring amoy aking malalanghap.
O, karagatan, ikaw na’y basurahan.
Iba’t-ibang bagay nagsisilutangan.
IV
Bakit ba natin siya pinapabayaan?
‘Wag naman natin siyang pagsamantalahan.
Siya’y nasasaktan at kulang sa alaga.
Bigay ng Diyos na parang ina, biyaya.
V
Dapat ay tulong-tulong sa pagaaksyon.
Magsipag at kaligtaan ang kahapon,
ialay sa susunod na henerasyon.
Tuparin at ‘wag lang sa imahinasyon.



“Bata pa”
Ni: Marc Emmanuel S.J. Ramos
I
Hindi ko alam kung paano ‘to paninimulan,
sa simpleng storya o sa simpleng awitin.
Ako’y bata pa at marami pang kailangang
malaman at intindihin sa ating mundo.
II
Sa dami nan g aking pinagdaanan,
mayaman na rin ako sa mga aral at karanasan.
May masaya, malungkot at masalimuot
ngunit sa bawat pagsubok ay may natututunan.
III
Bata pa lamang ako at may isang hinihiling
ito ang maganda kinabukasan na aking haharapin.
Buhay ay ‘di kay dali at simple,
manalangin lang sa Panginoon at magtiwala sa sarili.




“Lupang Sinilangan”
Ni: Marc Emmanuel S.J. Ramos
I
Noong isinilang ako sa mundong ito,
preskong simoy ng hangin ang aking nalanghap.
II
Puno ng luha at ngawa ng ngawa
tumahan sa hele ng aking inang tuwang-tuwa.
III
Bata pa at nakaranas ng simpleng buhay
ligtas at malaya sa apat na sulok ng aming bahay.
IV
Sa labas n gaming pintuan, ako’y maraming natuklasan
tungkol sa aking baying ginagalawan
V
Natuto at nalaman ang kalakasan n gating bayan,
walang iba kung ‘di tayong magkababayan.



FLORIANNE MORALES



Kayamanang Tunay
Malayang Tula ni: Florianne Joyce G. Morales


May mahinang loob at mahiyain
Minsa’y di malaman ang gagawin
Di sigurado sa mga dapat gawin
Na para bang walang direksyon na hangin

Sarili ay hindi maintindihan
Madalas pabago-bago ang isipan
Hindi sigurado sa nararamdaman
Kung kaya’t kahit sa sarili’y nagugulimihanan

Ang mga ito ay ako kung wala sila
Silang mga taong sa aki’y nakasuporta
Silang nagsisilbing sa dilim ko’y lampara
Silang sa buhay ko’y talagang mahalaga

Kaya’t salamat sa ‘king mga pamilya’t kaibigan
Na lagi lamang nandiyan
Sa oras man ng saya o kasawian
Sila ay aking masasandalan

Kaya’t sa huli’y aking napagtanto
Na hindi ang yaman o ginto
Kundi ang mga tao sa paligid mo
Ang magbibigay ng kasiyahang totoo


Iba sa Iba
Malayang Tula ni: Florianne Joyce G. Morales


Mahigit sa pitong libong mga isla
Na makapipigil sa iyong hininga
Nang dahil sa likas nitong ganda
Na siyang bubsog sa iyong mga mata

Tiyak na mabibihag ka sa alindog
Na syang taglay mula norte hanggang timog
Nitong bansang aking iniirog
Na sa ‘yong puso’y magpapahulog

Maliban sa magagandang tanawin
Mga tao’y mamahalin mo rin
‘Pagkat ikaw ay mainit nilang tatanggapin
Na siyang mgapapainit ng iyong damdamin

Syempre naman ay ‘di mawawala
‘Tong mga pagkaing hatid ay tuwa
Kaya naman, sarili ay ihanda
Dahil siguradong mapupuno iyang gutom mong sikmura

Sa huli’y, Pilipinas ay isang bansa
Na may kulturang iba ng lasa
Na s’yang gugustuhin mong matamasa
‘Pagkat ito’y may kakaibang ragasa


Pangarap ng Puso
Tugmang Tula ni: Florianne Joyce G. Morales


Akin nang nakikita ang pangarap ko
Ang siyang tanging pangarap ng pusong ito
Pangarap na bubuo sa pagkatao
Ng taong sa buhay ay ‘di sigurado

Ngayo’y tinatahak ang landas patungo
Sa minimithing hangaring parang ginto
Na hindi lamang para sa ‘king sarili
Kundi sa ‘pamilya ring aking haligi

Itong paglalakbay ay hindi madali
Nang dahil sa mga daang bali-bali
Bagyo at delubyo’y iyo pang isali
Tiyak na mapapasabing, “Teka, sandali.”

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito
Kahit magbago ang ikot ng mundo
Ako ay patuloy pa ring tatakbo,
Mangangarap at lalaban hanggang dulo

Ako’y hinding-hindi susuko kaylanman
Patuloy na tatahakin itong daan
Makamit ko lamang itong pangarap ko,
Ang syang tanging pangarap ng pusong ito.


Nag-iisang Tahanan
Tugmang Tula ni: Florianne Joyce G. Morales

Kay gagandang mga puno at halaman,
Na ilan lang sa ibinigay na yaman
Ng ating Diyos na makapangyarihan
Para sa ‘ting magandang kinabukasan.

Ngunit, sangkatauhan, anong nangyari?
Bakit tayo ay naging makasarili?
Kinalimutan ang kaniyang kapakanan,
Tuluyang sinagad ang kanyang hangganan.

Ating sinira ang kanyang gandang likas
Upang sarili natin ay maitaas
Itinabi natin ang pagiging patas
Kung kaya’t delubyo’y ating dinaranas,

Kaya’t kaibigan, tayo’y magtulungan
Para sa nag-iisa nating tahanan
Ito’y isalba hangga’t may panahon pa
Nang hindi magsisi kung ito’y wala na.

Kalikasa’y mahalin at alagaan
Nang ito’y hindi mawala ng tuluyan
Nang sunod na henerasyo’y maabutan
Ang ganda at biyaya ng kalikasan.


Pait ng Kasiyahan
Tugmang Tula ni: Florianne Joyce G. Morales

Isang menor-de-edad ang s’yang namatay
Nang dahil sa droga sa kanyang kamay
Na ang gusto ay guminhawa ang buhay
Kahit panandalian lang at ‘di-tunay

Itong batang dapat ay nasa eskwela
Nasa lansangan ngayon at gumagala
Upang maibsan ang masakit na malala
Ng kaniyang tiyan na laman ay wala

Kahirapa’t gutom ay gusting takasan
Kaya’t droga’t krimen ang naging takbuhan
Ang magulang na s’yang dapat ay kanlungan
Lumisan upang may mapagkakitaan

Ngunit sila na nakipagsapalaran,
Umuwing nasa kahon na di-mabuksan
‘Pagkat swerte ay ‘di nila kapalaran
Kaya’t inabot ng bata’y kasawian

Ngunit ngayong siya’y nasa langit na,
Pagdurusa ay hindi na madarama
Nitong batang pinagkaitan ng saya
Ng kaniyang buhay na mapait ang lasa


EJ GIMOTEA

AKO, BILANG AKO

Ako bilang isang anak sa aking mga magulang
 nagnanais makapagtapos, minimithing makaahon.
pangarap nawa nila sa aki'y aking makamtan
 Maisuot ang toga at diploma ay mahawakan.

Ako bilang nakatatandang kapatid sa tahanan,
nangangarap, nagsisikap maging mahusay na halimbawa
papanataliing mga gawain ay laging mabuti
nang sa huli, daanang aming tatahakin ay tuwid palagi.

Ako bilang isang kaibigan sa aking mga kamag-aral,
 Kailnma'y hindi magsasawang kanilang maging kasangga.
 Lumipas man ang panahoh, ako'y masasandalan.
 Sa tuwing sasapit ang problema, kanila'y masasandalan.

 Ako bilang Kristiyano't tagasunod ng Panginoon,
 Habang buhay pangakong sa kanya'y maglilingkod.
 Laging iisipin ang gumawa ng kalugod lugod
sa pagsamba sa Kanya, ako'y hindi mapapagod.

Ako bilang ako, palaging magpapakatotoo,
 hindi manlalamang,hindi manloloko,
 Ako'y makikipagkapwa tao, makikisamang buong puso.
Nang ang maiwan ko'y prinsipyong hindi nababago!


PERLAS NG BANSANG SINILANGAN

Sa isang bayan sa silangan, si Juan ay nananahan,
kasama ang mga mamamayan, hindi kakikitaan ng kalungkutan.
 Dumanas man ng unos at may malubhang pinagdadaanan,
sila'y maninitiling matatag, tulad ng kawayan.

 Pitong libo't isang daang islang mumunti,
sa Luzon Visayas at Mindanao, sila'y kabahagi.
Minsang pinalaya ng mga magigiting na bayani
mula a kamay ng mga banyagang, iniisip lamang kanilang sarili.

Mamamayang Pilipino, mapalad kung maituturing,
 dahil sa likas yaman, at magandang kalikasan.
Idagdag pa ang mga kababayang ubod ng galing,
 kinikilala ng mga bansang dayuhan, wagi sa anumang paligsahan.

Sa bayang ito, lubos akong nagpapasalamat,
Hitik sa kasaysayan at samu't saring alamat.
Anuman ang pinagdaanan noong panahong nakaraan,
 nanatiling malakas sa paningin ninuman.

Pilipinas ang aking bansa, Pilipino akong matatawag.
 Ipaglalaban ang karapatan, hindi magiging duwag.
Para sa tinubuang lupa, sa mga bayaning nagpalaya,
 Taas noong sasaludo, taos pusong magiging maligaya.



WAKASAN AT SOLUSYONAN

Sa lipunan na ating ginagalawan,
 Magulo't parang walang katahimikan.
Gobyerno, Trapiko, sirang kalikasan,
Bahagi ng buhay mula kabataan.

 Sinasabing tayo'y perlas ng silangan,
 mayamang paligid dito'y makikita.
ngunit sa mukha ng bawat mamamayan,
ang bansang maingay, kanila'y problema.

Sino pa bang ating paniniwalaan?
kung ang gulo'y tila walang katapusan.
 pinunong may sariling paninindigan,
 o ang oposisyong may pinaglalaban.

 Iilan na nga lang ba ang kayang mag-aral,
sa bayang kahirapan ang umiiral?
Kabataan ang siya nating pag-asa
Na kumakapit sa pangako ng bansa.

Sa lipunan na ating ginagalawan,
Nawa'y tayo ay magkaisa sa laban.
Nang tayo'y magkaro'n ng kapayapaan
para sa susunod na mga kabataan.



Inang kalikasan para sa kinabukasan

Kalikasan ay sadyang kahanga-hanga
Marikit ang bawat sangang binubunga
San man tumingi’y may gandang makikita
Tunay ngang kaaya aya sa ‘yong mata

Di maipagkakait ang bigay NIYA
Nang ating Diyos amang nagpapaanyaya
Na alagaan ang kaniyang mga gawa
At mahalin mo ito ng walang sawa

Ngunit bakit tayo’y naging abusado
Walang hustisya sa ating mga hurado
Wala manlang natirang mga testigo
Kayan ang kalikasan ay naiiwang bigo

Kung an gating likas yaman ay may bibig
Di to tatahimik, luluha ng tubig
Galit ay di niya na kayang tiisin
Dulot ng kawalang disiplina natin

Hangga’t may panahon, tayo ay magbago
Nang sa kabataa’y may maiwan tayo
Ganda ng paligid, ‘wag nawa humayo
Simula ngayon, alagaan natin ‘to



Ginintuang Pangarap

Tala na nais makamtan at makamit
Kahit sang yama’y hindi ipagpapalit
Ang pangarap na syang nais kong abutin
Makinang na bituin aking aabutin

Di susukuan kahit anong mangyare
Sisikapin ang maging intelihente
Isang talang marikit sa kalangitan
Aabutin kahit magpakailan pa man

Napakarami ang posibleng humadlang
Ngunit hindi dapat ako mangalawang
Pagkat determinasyon ang kailangan
Isang hakbang sa aking kahahantungan

Tugatog ng tagumpay ang masusungkit ,
Aking pangarap mula pa nang maliit
Magiging manananggol na magaling ,
Sa anumang impluwensya, di papaling

Tulungan nawa ako ng D’yos maykapal
Higit lalo ng mga magulang kong mahal
Na abutin ang minimithing pangarap,

Maging abogadong tutulong sa mahirap

Mga Komento