MGA MAIKLING KUWENTO

ANG PANIKI
ni: Gabriele Talub

Ang pamilyang San Fernando ay kilala bilang isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa buong lungsod, si Thomas at Maria ay parehas na kilalang doctor, na may-ari ng maraming public hospital na nagbibigay ng mura pero magandang serbisyo para sa mga nangangailangan. Sa kanilang mansion, wala silang katulong o yaya, dahil gusto nila, sila lang ang umasikaso sa sarili nilang bahay. Ang kanilang 10- taong gulang na anak, si Bruno,isang matalino, mabait, pero siya duwag at mahiyan. Sabi sa kanya ng kanyang ama, “Anak, ‘bat di ka makipaglaro sa labas kasama ang mga bata?” Pero ang kapatid ni Thomas na si Vivian, ay tamad at gusto laging pinagtratrabaho ang kanyang pamangkin, “Hay nako Thomas, imbis na turuan mong maglaro yan si Bruno, turuan mong mag-trabaho! Wala na nga tayong katulong ganyan pa pagpapalaki mo sa anak mo.” Pero sa kabila neto sabi ni Bruno, “Tara po Papa! Laro tayo sa labas.” At tumakbo palabas silang mag-ama, pero pagkalabas ni Bruno, nakakita siya ng maraming paniki na lumilipad, napatulala siya, at biglang inakap ang kanyang ama at sinabi, “Papa, pasok nalang po tayo! Takot po ako sa paniki!” At kinarga ni Thomas si Bruno papasok ng bahay, at habang siya’y naglalakad, tinitigan siya ng masama ng kanyang ate at sinabi sa kanya, “Oh ano? Hay nako Thomas, kailan mo ba na maiintindihan na lagi akong tama?” Tuwing gabi kinakausap ni Maria si Thomas tungkol sa ugali ni Vivian sa pagbabantay kay Bruno, “Thomas, bakit hindi mob a pagsabihan iyang ate mo? Ayaw niyang pinapalabas si Bruno, paano siya magkakaroon ng kaibigan niyan?” Sagot naman ni Thomas, “Alam mo naming hindi ako papakinggan niyan ni Ate.  Huwag kang mag-alala Maria, bukas aalis tayong tatlo ni Bruno, manonood tayo ng pelikula.” Kinabukasan, pumunta nga sila sa sinehan, iniwan nilang mag-isa sa bahay si Vivian. “Papa, ano po ba papanoorin natin?” tanong ni Bruno. “Manonood tayo ng superhero, anak. At sigurado akong magugustuhan mo ito.” Sabi ni Thomas. Nakita ni Maria na ang titolo pala ng pelikula ay Batman, at sinabi sa asawa, “Thomas, Batman? Alam mo naming takot si Bruno sa paniki.” Sinagot naman ni Thomas, “Kaya nga, eh superhero naman yan si Batman diba, para magustuhan ito ni Bruno, at hindi na siya matakot sa mga paniki.” Pumasok sila sa sinehan, at naupo. Nang magsimula ang pelikula, pinakaunang parte nito ay puro paniki ang lumabas, tinignan ni Thomas si Bruno, at nakitang nagluluha na ito, at unti-unting tinatakpan ang kanyang mata. “Papa! Mama! Ayoko na po! Uwi na po tayo!” At sila’y tumayo at lumabas ng sinehan. Habang naglalakad sila papunta sa kanilang sasakyan, si Thomas ay naghingi ng tawad sa kanyang anak, “Anak, pasensiya ka na ah. Akala ko talaga magugustuhan mo yun eh.” “Ok lang po yun Papa, hindi naman po ako galit sa inyo.” Sagot ni Bruno. Sabi naman ni Maria, “Hay nako, tama nay an, tara umuwi na tayo, baka magalit pa ‘yang tita Vivian mo.” At nang pasakay na sila ng kotse, biglang may lumapit sa kanilang lalaki, sabi niya “Ikaw ba si Dr. Thomas San Fernando?” “Opo, bakit?” sagot ni Thomas. Biglang siyang tinutukan ng baril, “Huwag kayong sisigaw, papatayin ko kayo! Akin na mga wallet niyo!” sabi ng lalaki. “Pare, huwag tayong ganyan. Kumalma ka, eto na wallet ko, kunin mo na at iwanan mo na kami.” Kalmadong sinabi ni Thomas, at nang makuha ang wallet, binaril ng lalaki si Maria at Thomas, at tinutukan din niya ng baril si Bruno at sinabi, “Bata… labas!” Lumabas si Bruno, at lumapit sa kanyang mga magulang at sinigaw niya, “TULONG! TULONG!” Biglang hinawakan ni Thomas ang mukha ni Bruno at pinilit sa sabihin, “Anak.. pa.. pa.. patawad.” At biglang bumitaw ang kanyang kamay. Maya-maya, dumating ang mga pulis, at nilapitan nila si Bruno, “Bruno, good news, nahuli na namin siya, at huwag kang mag-alala, maisisiguro naming pagbabayaran niya ang ginawa niya sa magulang mo.” Pero hindi na kumibo si Bruno. Sa bahay ng mga San Fernando, si Bruno at si Vivian nalang ang natira, mula noon, mas humigpit pa si Vivian sa pagbabantay ka Bruno at ginawa siya parang katulong sa bahay, dahil dito, si Bruno ay laging malungkot, at ang kanyang tiyahin ay laging gumagala at iniiwanan mag-isa si Bruno. Isang gabi, umuwi si Vivian kasama ang mga kaibigan, at nakita nilang mag-isa si Bruno nililinis yung bahay. Sabi nung isang kaibigan ni Vivian, “Viv, kawawa naman si Bruno, wala tumutulong sa kanya dito sa mansion tuwing umaalis tayo.” Sinagot naman ni Vivian, “Oh sige, bukas maghahanap ako ng katulong, nang may kasama naman yan si Bruno dito, at para na ‘din may umasikaso dito sa mansion, dumudumi at bumabaho na eh.” Kinabukasan, may pumunta sa kanilang mansion, sumilip si Bruno sa bintana at sinigaw, “Tita! May tao po!” “Salubungin mo nga Bruno, tanong mo kung ano gusto niya!” sabi ni Vivian. Bumaba si Bruno at binuksan niya ang pinto, nakita niya isang lalaki, medyo malaki ang katawan, pero eligante ang suot, tinanong niya kay Bruno, “Ito ba ang bahay ng mga San Fernando?” “Opo, ito nga po.” Sabi ni Bruno. “Ah, balita ko naghahanap daw kayo ng katulong dito.” Narinig ni Vivian ang kanilang usapan at sinabi, “Ay oo naghahanap nga ako, tara, dito tayo sa loob mag-usap.” Umupo sila sa sala, at sabi ni Vivian, “Ako si Vivian San Fernando at ito ang pamangkin kong si Bruno. Ikaw, ano pangalan mo?” “Ako po si Alfredo Soriano, 27 years old, taga-dito lang po ako sa Meycauayan.” Sagot ng lalaki. “Sige Alfredo, paalala ko lang sayo hindi sobrang laki ang maisasahod ko sayo.” Sabi ni Vivian. “Wala lang po yun, sarili ko lang naman ang sinusustentohan ko eh, wala na po magulang ko, at wala pa po akong asawa.” Sabi ni Alfredo. “Edi mas maganda, wala na ibang iisipin. May maliit na workshop dun sa labas ng mansion, may kama na ito, tinutulugan kasi yun dati ng kapatid ko tuwing maraming gawain sa labas, doon pwede kang tumuloy. Sige, ayusin mo na gamit mo at simulan mo na trabaho mo, gupitin mo yung mga mahahabang damo sa labas.” Napangiti ni Alfredo, at sinabi, “Maraming salamat mo Ma’am Vivian!” Sinabi naman ni Vivian na: “Sige, basta ayusin mo ang trabaho mo, kapag ikaw nakita kong nagtatamad-tamad o gumagawa ng kalokohan dito sa pamamahay ko, aalis ka! Naiintindihan mo ba?” “Opo, opo!” sagot ni Alfredo. At sinimulan na ni Alfredo ang pagtratrabaho. Isang linggo na ang nakalilipas mula nang dumating si Alfredo, nang biglang utusan ni Vivian si Bruno na itapon ang sako ng basura sa labas, habang naglalakad sa labas nakita ni Bruno si Alfredo, nililinis yung sasakyan, nakita din siya ni Alfredo at sinabing, “Bruno! Tara dito.” Dahan-dahang lumalapit si Bruno sa kanya, “Dali na, huwag kang mahiya, ‘di naman ako nangangagat, hahaha!” Lumapit sa kanya si Bruno at sinabi sa kanya, “Tulungan mo naman ako dito oh, sabunan mo yung salamin.” Habang sinasabunan ni Bruno ang salamin, aksidente siyang nabasa si Alfredo ng hose, “Ay! Sorry!” Natawa si Bruno, kinuha ang isa pang hose at binasa ‘rin si Alfredo, “Uy Bruno! Bat mo ako binabasa!?” “Ikaw, binasa mo ako eh!” sagot ni Bruno, at silang dalawa ay naglaro at nagbasaan ng tubig. Tuwang-tuwa ang dalawa habang naglalaro, hangga’t sa biglang dumating si Vivian, galit na galit at sinabi, “Hoy! Kayong dalawa! Bat kayo nagbabasaan! Sinasayang niyo yung tubig! Akala ko ba sabi ko sayo Alfredo na ayusin mo trabaho mo!” “Sensiya na po ma’am, naglalaro lang kami ni Bruno.” Sabi ni Alfredo. “Opo tita, naglalaro lang naman kami.” Sabi ni Bruno. Pagalit naman na sinabi ni Vivian, “Hindi ko sinabing maglaro kayo! Tara na nga dito Bruno, magpalit ka ng damit, ikaw maglaba niyan!” At hinila ni Vivian si Bruno papasok ng bahay. Habang hinihila siya ng kanyang tita, kumakaway si Bruno kay Alfredo nang nakangiti. Kinabukasan, tinawag ulit ni Alfredo si Bruno, sabi niya “Bruno! Tara dito, may papakita ako sayo!” Tumakbo si Bruno papunta sa kanya, at pinakita ang kanyang tirador, at tinanong kay Bruno, “Alam mo ba kung paano gamitin ‘toh?” “Hindi Kuya eh, ayaw ni Tita Vivian na gumagamit ako ng ganyan, delikado daw.” Sabi ni Bruno. “Sus! Delikado lang ito kung hindi mo alam kong paano gamitin. Eto turuan kita, kita mo yung mga nakahilerang bote na yun, kailangan natin yun tamaan.” Noong unang tira ni Bruno, ‘ni ‘di tumama sa mga bote. “Hindi, kailangan iabante mo yung kamay mo kapag binibitawan mo para mas malakas.” Kaya noong pangalawang tira ni Bruno, nabasag niya yung isang bote, tuwang-tuwa silang dalawa nang mabasag din niya yung ibang bote. “Tignan mo galing mo pala diyan eh!” sabi ni Alfredo. “Mas masaya pa pala ‘toh kaysa sa Minecraft!” Pero bigla nilang nakita parating si Vivian at tinago ang tirador, at nagkunwaring nagwawalis. Tinignan sila ni Vivian, at kinawayan nila siya.  Yung gabing iyon, habang nagpapaantok si Bruno sa kanyang kuwarto, nakita niya, isang ladder sa kanyang bintana, binuksan ang bintana, at nakita niya si Alfredo na sinabing, “Ayun! Gising ka pa! Ok lang bang pumasok ako?” “Oo kuya, tara pasok ka!” sabi ni Bruno. Umupo sila sa kama ni Bruno, at nagkuwentuhan, “Diyan na ko sa bintana mo pumasok baka magalit pa ‘yang tita mo, napakasungit eh, tamad naman.” Sabi ni Alfredo. Sinagot naman siya ni Bruno, “Ganyan talaga si Tita Vivian, kahit nung buhay pa sila Mama at Papa.” “Oo nga pala, sorry sa nangyari sa magulang mo ah. Nagulat ako talaga nung nangyari yun, buti nga nahuli na yung pumatay sa kanila. Alam mo ba, tinulungan ng magulang mo yung kapatid ko?”   “May kapatid ka, kuya?” tanong ni Bruno. “Oo.” Sabi ni Alfredo. “Si Daniel, kasing edad mo lang siya noon, nagka-dengue siya, nagpacheck-up kami sa ospital kaso napakamahal nung mga gamot, eh mahirap lang kami. Pumunta ako sa isa sa mga ospital ng magulang mo, nagcheck-up kay Daniel yung Papa mo mismo, napakabait niya, tas binigay niya yung gamot libre! Sunod na linggo magaling na si Daniel!” Napaisip naman si Bruno at naitanong, “Eh kuya, nasaan na si Daniel?” Nawala ang ngiti ni Alfredo, at ikinuwento niya kay Bruno, “Noong Yolanda, napakataas ng baha sa amin. Napakalakas ng agos ng tubig. Kami ni Daniel noon, nakakakapit sa puno, para hindi maanod. Pero, lumakas pa lalo ang agos, at nabitawan ko si Daniel, pinilit kong saluhin siya pero nabigo ako. 3 araw ko siyang hinanap, hangga’t sa nakita ko nalang siya, isa sa mga nahanap na patay ng mga rescuer. Mula noon, kung saan saan nalang ako nagtrabaho, hangga’t sa nalaman ko nga na naghahanap ng katulong ‘yang Tita mo.” Inakap siya ni Bruno, at sinabi, “Alam mo ba kuya ikaw palang ang nagiging kaibigan ko sa buong buhay ko?” Napangiti si Alfredo at sinabi, “Alam mo kun bakit kita tinawag noon nung naglilinis ako ng kotse? Kasi sa tuwing nakikita kita, naaalala ko si Daniel.” Hiniga ni Alfredo si Bruno, at pinatulog niya ito. Lumabas si Alfredo, at nakita niyang pumasok sa bahay si Vivian, lasing na lasing, at napahiga nalang sa sala, nadismaya si Alfredo sa kanya at inisip, “Anong klaseng tiyahin ka? Ni ‘di mo inaalagaan nang maayos ang pamangkin mo.” Kinabukasan, ginising ni Alfredo si Bruno, “Bruno, gising!”  Si Bruno naman ay taking-taka at tinanong, “Kuya, an aga pa eh.” “May pupuntahan tayo, umalis nanaman yung Tita mo.” Sabi ni Alfredo. “San tayo pupunta?” tanong ni Bruno. “May laro ng basketball sa bayan! Manonood tayo!” Sobrang tuwa ni Bruno nung narinig niya ito at siya’y nagbihis kaagad. Dumating sila sa laro saktong-sakto huling dalawang minuto na. “Uy! Dikit lang ang laban! 86-84.” At nang magshoot ng 3-points ang team, nagsigawan ang lahat ng tao, kahit si Bruno, dahil lamang na ang koponan. Pero nakascore din ang kalaban kaya tabla na ang score. Huling 10 segundo na, at bola ng kakamping team, table parin ang score, “Tapusin mo na!” sigaw nila Bruno at Alfredo. 3 segundo nalang natitira at sumalaksak ang player, at nakascore ng game-winning lay-up. Si Bruno, Alfredo, at lahat ng tao ay nagsigawan dahil panalo na ang kanilang koponan. Pagkatapos ng laro, nag-alisan na ang mga tao, pero nandoon parin sila Bruno at Alfredo, tanong ni Alfredo, “Gusto mo tayong dalawa naman ang maglaro ng basketball?” Napangiti si Bruno at sinabi, “Sige Kuya!” at sila’y naglaro ng basketball. Dito, tinuruan ni Alfredo paano maglaro si Bruno, halos 6 na oras silang naglaro sa court. Pero maya-maya, si Bruno ay nadapa at nasugatan, panandaliang nilapitan ni Alfredo si Bruno at tinanong, “Ok ka lang? Nako po, nasugatan ka!” Ngumiti lang si Bruno at sinabi, “Ok lang ako Kuya. Kahit napakahapdi, kaya koi to.” At silay’y nagtawanan. Gabi na nang makauwi sila sa bahay, pagpasok nila, sinalubong sila ni Vivian, lasing nanaman, at sinabi, “Saan kayo galing ha!? Bakit hindi kayo nagpaalam!?” at nakita ni Vivian ang sugat ni Bruno. “Diyos ko po! Ano nangyari sayo, Bruno!?” “Wala lang po yan Tita. Nagbasketball lang kami ni Kuya Alfredo.” Sabi ni Bruno. Bigla naming sinampal ni Vivian si Alfredo at sinabi, “Sabi ko sayo, ayusin mo trabaho mo! Pero tignan mo nangyari! Umalis ka na dito ngayon din!” Nanahimik nalang si Alfredo, pero si Bruno sinagot, “Hindi po Tita! Hindi niyo po paaalisin si Kuya Alfredo!” “Bastos kang bata ka! Ayun ang gusto ko at di ka pwedeng umalma! Sabi kong aalis siya, kaya aalis talaga siya!” sigaw ni Vivian. “Hindi po! Parang siya na po ang kuya ko talaga! Mabait siya, Minamahal ako, di po siya katulad mo! Katulad po niya si Papa!” sagot ni Bruno. Pero sagot din ni Vivian, “Hindi siya katulad ng Papa mo, kasi ang Papa mo patay na! At ikaw ang may kasalanan!” Kahit si Vivian, nabigla sa sinabi niya. Biglang umiyak si Bruno, at tumakbo paalis ng bahay. “Bruno! Sandal! Hindi ko sadyang sabihin yun! Alfredo habulin mo siya! Dali!” sigaw ni Vivian. “Bruno! Bruno! Asan ka na!” Sinisigaw ni Alfredo sa kalsada. Nakita naman ni Alfredo si Bruno, malapit sa isang puno, na punong-puno ng mga paniki, at sinusungkit ito ni Bruno para paalisin ang mga paniki. “Bruno! Wag! Itigil mo yan!” sigaw ni Alfredo. “Gusto silang paalisin lahat! Para mapakita ko na di ako takot sa kanila!” sabi ni Bruno. “Pero hindi purkit di ka takot sa kanila, kailangan mo silang saktan! Tignan mo ang ginawa mo!” sabi ni Alfredo. Tinuro ni Alfredo ang isang paniki na sugatan, at hirap lumipad. Nilapitan ito ni Bruno, at bigla niyang naalala ang kanyang magulang, habang sila’y namamatay. Napaiyak si Bruno. Kinuha niya ang panki at sinabi, “Patawad.” Patuloy na umiyak si Bruno at sinabi kay Alfredo, “Kuya, ako nga ang may kasalanan kung bakit wala na sila Mama at Papa! Kundi ko sinabing umuwi na kami noong gabing iyon, andito pa sila ngayon!” Niyakap naman siya ni Bruno at sinabi sa kanya, “Bruno, makinig ka sakin. May mga bagay talaga na hindi natin kayang mapigilan. Sabihin mo sakin, ikaw ba ang dahilan kung bakit pinatay nung lalaking iyon yung magulang mo? Hindi diba? Hindi ka katulad ko! Ako ang may kasalanan kung bakit wala na si Daniel! Kung kumapit pa ako sa kanya ng mas mahigpit pa noon, andito parin siya ngayon, pero hindi, dahil sakin patay na si Daniel!” at si Alfredo ay napaiyak na din. Sinabi naman sa kanya ni Bruno, “Huwag mong sabihin iyan, Kuya! Ikaw na nga ang may sabi diba? May mga bagay sa buhay na di natin kayang pigilan. Kahit gaano mo kahigpit na hinawakan noon si Daniel, mas malakas parin sayo yung agos. At kahit anong oras ko sinabing umuwi kami noon, gusto parin nung lalaking iyon patayin ang magulang ko. Pero kahit wala na sila, lagi silang nasa puso natin, at parati tayong ginagabayan.” “Tama ka diyan Bruno.” Sabi ni Alfredo habang nagluluha, “Tara na, umuwi na tayo.” Habang papasok sila ng mansion, sinalubong sila ulit ni Vivian, at biglang inakap si Bruno, at sinabi, “Bruno, patawarin mo ako, sa nasabi ko, sa lahat ng nagawa ko sayo. Patawarin mo ako at nagkulang ako bilang Tita mo at kung ginawa kitang katulong sa bahay. Pangako, simula ngayon babawi na ako sa iyo. Mahal kita talaga, Bruno!” at inakap din siya ni Bruno. Kinabukasan, nagising ng maaga si Alfredo at nakita niya si Vivian, nakaupo sa harap ng mansion, hinihintay na sumikat ang araw, nilapitan ni Alfredo si Vivian at tinanong, “Ma’am ano po ginagawa niyo?” Sinagot naman ito ni Vivian, “Hinihintay kong sumikat ang araw, na nagsisimbolo ng pagbabagong buhay ko. Mula ngayon, di na ako iinom, para kay Bruno. Patawarin mo ako Alfredo, kung parati kitang nasisigawan tuwing naglalaro kayo ni Bruno. Dahil sa tuwing nakikita ko siyang naglalaro, naaalala ko ang ama niya. At nalulungkot ako dahil alam ko naging palpak ako bilang ate niya. Pero ngayon, hindi ko na uulitin ang pagakakamaling iyon sa kanya. Salamat Alfredo, dahil sayo naintindihan ko na iyon” “Maraming salamat din po Ma’am, at pinasok niyo ako dito, at nakilala ko po si Bruno. Parang kapatid ko na rin po siya, at ngayon, di ko na siya bibitawan, parang nung nangyari sa kapatid ko.” Sabi ni Alfredo. “Oo nga pala, kaarawan ni Thomas ngayon. Gisingin mo na si Bruno, pupunta tayo ng sementeryo.” At Pumunta nga sila sa sementeryo. Inalayan nila ang libingan ni Maria at Thomas ng bulaklak at kandila, at sabi ni Bruno, “Papa, Happy Birthday po! Sana po kung nasaan ‘man lagi niyo akong ginagabayan ni Mama sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay ko.” Si Vivian naman ay umiiyak habang sinisindihan ang mga kandila at sinabi, “Thomas, patawarin mo ako, alam kong nagkulang ako bilang ate mo. Pero ngayon, hinding hindi ko na pababayaan si Bruno. Miss na miss na talaga kayo!” Paalis na sila ng sementeryo, at habang nagmamanaho tinanong ni Alfredo, “Ma’am saan na po tayo?” Tinanong naman ni Vivian si Bruno, “Ikaw ba Bruno saan mo gustong pumunta?”  “Nood tayo ng pelikula!” sagot ni Bruno. “Balita ko showing na ang Batman 2.” Sabi ni Alfredo. “Tara!” Sigaw ni Bruno at Vivian. Habang nagmamaneho sila papuntang sinehan, nakakita si Bruno ng isang paniki na lumilipad sa gilid ng sasakyan, at nakita niya na iyon ang paniking nasaktan niya, maayos na ang kalagayan at nakakalipad na.

“Ang buhay ay lilipas. Pero ang pagmamahal ng pamilya, walang hanggan”






“Tadhana o Pagkakataon?”

Ni: Geraldine Bielle F. Espiritu

“Anak, bilisan mo ang kilos mo at tatanghaliin ka na.” Sigaw ng aking nanay. Panibagong nakakatamad na araw na naman. Ako nga pala si Simon Isaac Mendoza, isang estudyante sa St. Joseph University. Katulad ng ibang mag-aaral, tinatamad din akong pumasok lalo na tuwing Lunes. Iniisip ko na lamang ang mga hirap at pagod ng aking mga magulang upang magsilbing motibasyon ko.
Pagpasok ko sa aming silid-aralan, ay isang normal na senaryo lang ang aking naabutan. At iyon ay ang napakaingay kong mga kaklase. Daldal dito, daldal doon, harutan dito, harutan doon. Hindi ba sila nagsasawa sa mukha ng isa’t-isa? Bahala na nga sila, uupo na lamang ako sa aking upuan at magbabasa ng libro.
Habang nagbabasa ako ng libro, may isang babaeng pumasok sa aming silid. Hindi ko siya kilala at parang ngayon lang siya pumasok sa aming silid-aralan kaya’t lahat kaming magkakaklase ay nakatingin sa kaniya. Habang lumalakad siya, napansin ko ang taglay niyang ganda.
Tumayo siya sa gitna ng munting entablado at nagsalita, “Magandang umaga, ako nga pala si Maria Celestine Gonzales. Maari niyo akong tawaging Tala. Ako ang bago niyong kaklase ngayong ikalawang semestra. Sana maging kaibigan ko kayong lahat, salamat.”
Pagkatapos niyang magsalita ay dumiretso siya sa bakanteng upuan sa aming silid at iyon ay ang upuan sa aking kaliwa. Agad niya akong nginitian nang magtugma ang aming mga mata.
“Hi, anong pangalan mo?” Nagulat ako dahil bigla niya akong kinausap ngunit sumagot agad ako, “Ah, ako si Isaac.” Ngumiti siya pagkatapos ay nagsalita ulit “Sana maging magkaibigan tayo.” Kaya’t nginitian ko rin siya at sinabing “Oo naman, bakit hindi?”
Lumipas ang ilang araw at mas napalapit pa kami sa isa’t – isa. Sabay kaming kumakain tuwing recess at lunch. Sabay rin kaming tumatambay sa silid-aklatan tuwing may bakanteng oras kami. Nakilala rin naming ang isa’t-isa. Halos lahat ata ng bagay ay napagkwentuhan na naming dalawa. Alam ko na ang mga hilig at ayaw niya, ganun din siya pagdating sa mga hilig at ayaw ko. Kilala na rin siya ng aking pamilya dahil dinala ko siya sa aming bahay upang maghapunan dahil ginabi kami sa paggawa ng proyekto. Nakilala ko na din ang kaniyang pamilya.
Nalaman ko rin na galing siya sa isang marangyang pamilya. Hindi koi yon inaasahan dahil base sa mga kilos niya, isa lang siyang simpleng babae. Kumakain siya ng isaw, kwek-kwek, balut, at kung ano-ano pang pagkaing tinitinda sa kalye. Lubos akong humanga sa kaniya sapagkat hindi niya kailanman ipinagmayabang ang pamilya at mga bagay na mayroon siya.
Kada linggo, nakasanayan na rin naming magsimba ng sabay. Pagkatapos naming magsimba ay mamamasyal kami sa mga Museo at maglilibot-libot sa Maynila. Mahilig siyang kumuha ng litrato at gumawa ng tula. Sa kada pasyal nga namin, ay lagi kaming may litrato na nagsisilbing alaala naming sa mga pinuntahan namin.
Itinuring naming matalik na kaibigan ang isa’t-isa. Hindi ko inaasahan na sa kasabay sa paglipas ng panahon ay ang pagkahulog ko sa kaniya. Marami na rin ang nagtatanong kung anong meron sa aming dalawa dahil sobrang malapit kami sa isa’t-isa. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, pinili ko pa ring itago ang nararamdaman ko. Natatakot ako na baka mawala ang pagkakaibigang mayroon kami.
Isang araw ay masaya niya akong sinalubong sa silid-aklatan at sabay sabing, “May magandang balita ako sa iyo na tiyak magugustuhan mo.” Hindi ko alam pero napangiti ako ng mga sandaling iyon. Nagtungo kami sa isang lamesa sa silid-aklatan.
“Hindi ba malapit na ang bakasyon?” tanong niya, agad akong napatingin sa kaniya at tumango bilang tanda ng pagsang-ayon ko sa kaniya. “Napagdesisyunan kasi nila Mommy at Daddy na magbakasyon kami sa Palawan. Kaya’t naisipan kong isama kayo at pumayag naman sila.” Magsasalita pa lamang ako upang tumanggi dahil nakakahiya ngunit naunahan na niya ako magsalita, “Bawal tumanggi, magagalit sina Mommy at Daddy. Sabihan mo na sina Tito at Tita ha? Isang linggo na lamang ang natitira at bakasyon na.”
Mabilis na lumipas ang isang lingo at ako man ay nagulat dahil ito na pala ang araw ng aming flight papuntang Palawan upang magbakasyon. Agad akong nagbihis at nag-ayos upang hindi kami mahuli sa aming biyahe.
Dumating na kami sa airport at andun na sila Tala. Nakakatuwa siyang pagmasdan sapagkat bakas sa kaniyang mukha ang kagalakan sa aming bakasyon sa Palawan. Hindi ko namalayan ang oras at dumating na pala kami sa Palawan. Dumiretso muna kami sa aming hotel upang magpahinga dahil lahat kami ay pagod at inaantok pa dahil sa biyahe.
Nagising ako ng may tumatapik sa aking braso, at pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Tala. “Tara na, bumangon ka na, maliligo na tayo sa dagat.”
Nakaupo na kami ngayon sa bonfire. Pagkatapos naming maligo sa dagat ay kumain kami ng hapunan at nagbanlaw upang sumali sa bonfire na magaganap. Masaya kami pareho at mas nakilala naming ang isa’t-isa. Nalaman ko na gumawa siya ng tula para sa aming dalawa. Sa pagkakataong iyon, naisip ko na baka ito na ang oras upang sabihin ko ang lahat ng nararamdaman ko para sa kaniya. Humugot ako ng lakas ng loob sa katahimikang namagitan sa aming dalawa.
Huminga ako ng malalim at saka nagsalita, “Ta—” Ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko, nagsalita na agad siya, “Isaac, halika na sa loob!” at nagsalita ulit siya, “May sasabihin ka ba?”, napailing na lamang ako bilang pagsagot sa kaniya at sabay sabing “Halika na sa loob, aayain na rin dapat kitang pumasok dahil lumalalim na ang gabi.”
Kinabukasan, nagulat ako dahil maagang gumising ang lahat at tila may pupuntahan sila. Kaya’t tinanong ko sila kung anong meron. Maga-island hopping daw kami. Agad akong tumayo at nag-ayos upang makasama sa kanila.
Matapos mag-island hopping ay kumain muna kami at nagpahinga. Nagising ako sa katok at kakatawag ni Tala. Pinagbuksan ko siya ng pinto, “Oh anong kailangan mo?”, ngumiti aagad si Tala at nagsalita “Maari mo ba akong samahan sa labas upang magpahangin?” Agad akong tumango at sinamahan siya palabas.
Malamig ang simoy ng hangin at habang naglalakad kami ay alam kong nilalamig siya kaya’t ipinatong ko sa kaniya ang aking dyaket. Nagpasalamat siya dahil rito at nginitian ko lamang siya. Nag-aya siyang humiga sa buhangin upang pagmasdan ang mga bituin sa kalawakan.
“Ang ganda ng mga bituin ‘no?” sabi nya, ngumiti ako at sabay sabing “Mas maganda ka pa sa kahit anong bituin dyan, Tala.” Kinakabahan ako nung mga oras na iyon ngunit alam kong ito na talaga ang tamang pagkakataon upang sabihin ang aking mga nararamdaman para sa kaniya.
“Tala” / “Isaac”, sabay kaming natawa dahil sa sabay naming pagbanggit sa pangalan ng isa’t-isa. “Ano yun? Sige na mauna ka nang magsabi”, sabi ko. Ngunit hindi siya pumayag, kaya’t sabi ko sabay na lamang kaming magsabi at pumayag siya.
“Sabay tayong magbilang”, sabi ni Tala at tumango naman ako.
“Isa..”
“Dalawa..”
“Tatlo..”
“Gusto na kita, Tala” / “Gusto na kita, Isaac”. At tumahimik bigla. Tila kaming dalawa na lamang ang natira sa mundo. Hindi maipaliwanag ng kahit anong salita ang nararamdaman kong saya ng mga oras na iyon.
Kinabukasan ay ang ikalawa sa huling araw naming sa Palawan. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako dahil babalik na naman kami sa nakakapagod na Maynila o matutuwa dahil malapit na ulit magpasukan.
Bumaba na kami upang kumain ng pananghalian ngunit pagbaba ko ay wala siya dun, kaya’t sinubukan ko siyang hanapin.
“Ay, Isaac anak, Si Tala ay nasa kwarto niya, may sakit siya kaya’t hindi na bumaba. Maari mo siyang bisitahin sa kwarto niya.” sabi ni Tita. Ngumiti ako at nagsalita “Salamat po Tita, sige po puntahan ko po muna si Tala sa taas.”
Pagka-akyat ko ay hindi na ako kumatok, binuksan ko na lamang ang pintuan at nakita kong natutulog si Tala. Hinawakan ko siya sa noo upang tignan kung nilalagnat pa rin siya. Oo nga, tama nga si Tita, may sakit nga si Tala. Inalagaan ko si Tala at hindi ako umalis sa tabi niya.
Nagising ako ng may humahawak sa aking buhok. Pagtingin ko ay gising na si Tala at mukhang ayos naman na siya.
“Salamat sa pag-alaga sa akin, magaling na ako ngayon.” sabi ni Tala habang nakangiti. “Wala yun, sige na mag-ayos ka muna at bumaba tayo upang makapasyal.” Sabi ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot.
Naglalakad kami ngayon ni Tala sa may dalampasigan------------ *KRINGGGGGGGGGGGGGGG*
At kasabay ng pagtunog ng hudyat na magsisimula na ang klase ay napabalikwas ako sa aking kinauupuan.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Panaginip lang  pala ang lahat? Sa isip-isip ko ay totoo talaga ang lahat ngunit mali ako, panaginip lang ang lahat, pero parang totoo.
“Mr. Mendoza, mabuti naman at nagising ka sa bell.” Sabi n gaming guro.
“Ah, pasensya na po ma’am, napuyat lang po kagabi sa pagagawa ng proyekto.” Sagot ko naman.
“Di bale, mayroon akong magandang balita para sa inyong lahat.” Sabi ulit ng aming guro.
“Ma’am, wala na bang exam?”
“May bonus ba ma’am?”
“Wala bang bagsak samin ma’am?”
“Baka may proyekto na namang ipagagawa.”
“Wala po bang pasok bukas?”
“Hindi po kayo magkaklase ngayon?”
Iyan lamang ang ilan sa mga narinig kong tanong ng aking mga kaklase sa aming guro.
“Tumahimik muna kayo at making ng mabuti!” Halos pasigaw na sabi ng aming guro upang mapatahimik ang aking mga kaklase na ubod ng ingay.
“Class, magkakaroon kayo ng panibagong kaklase ngayon sa ikalawang semestra.” Sabi ng aming guro.
Tumingin ang aming guro at parang may sinesenyasan siyang pumasok. Hindi nga ako nagkamali, may sinenyasan nga siya sa labas.
Lahat ay nagulat nang may pumasok na isang babae at dumiretso siya sa platform at nagpakilala.
Ang buong klase ay tumahimik at lahat ng tao sa silid ay nakatingin sa kaniya.
“Magandang umaga, ako nga pala si Maria Celestine Gonzales. Maari niyo akong tawaging Tala. Ako ang bago niyong kaklase ngayong ikalawang semestra. Sana maging kaibigan ko kayong lahat, salamat.”
Pagkatapos niyang magsalita ay dumiretso siya sa bakanteng upuan sa aming silid at iyon ay ang upuan sa aking kaliwa. Agad niya akong nginitian nang magtugma ang aming mga mata.
“Hi, anong pangalan mo?” Nagulat ako dahil bigla niya akong kinausap ngunit sumagot agad ako, “Ah, ako si Isaac.” Ngumiti siya pagkatapos ay nagsalita ulit “Sana maging magkaibigan tayo.” Kaya’t nginitian ko rin siya at sinabing “Oo naman, bakit hindi?”
Ngunit napagtanto ko na pamilyar ang pangyayaring ito.. parang ito yung nasa panaginip ko kanina. Hindi ako maaring magkamali, ganito nga ang pangyayari sa aking panaginip.
Maari kayang mangyari ang nasa panaginip ko?
O maaring ibahin ng tadhana ang lahat ng inaasahan kong mangayari at manatili itong isang panaginip na lamang?

Ito ba ay isang tadhana? O isang pagkakataon lamang?





Hankasiya
Ni: Florianne Joyce G. Morales

Sa isang malayong bayan, may isang binatang nagngangalang Atlas ang naninirahan sa isang mansyon kasama ang kaniyang ama at kanilang mga kasambahay. Siya'y anak ng isang mayamang pamilya kung kaya't lahat ng kaniyang gugustuhin ay kaniyang nakukuha. Walang siyang ibang mga kaibigan maliban sa kaniyang asong alaga na si Soa na kanyang kasama buhat nung siya'y bata pa. Walang siyang ibang kaibigan sapagkat sa kaniyang pagkakaalam, kung meron naman siya ng lahat, aanhin pa niya ang mga taong ang alam lang gawin ay saktan siya?
Ngunit isang gabi, sa hindi inaasahang pagkakataon, ng siya'y mapadaan sa may kwarto ng kaniyang ama, narinig niya ang isang malakas na kalabog kaya't dali-dali siyang pumasok sa kwartong iyon. Nakita kaagad ni Atlas ang kaniyang ama na nakahilata sa sahig. "Tulong! Tulong!" sigaw ni Atlas. Nang akmang tatakbo na ai Atlas upang humingi ng tulong, hinawakan siya ng kaniyang ama sa balikat at sinabing, "Anak, hayaan mo na ako. Ako'y matanda na at gusto ko na ring magpahinga. Ngunit bago ako lumisan, nais ko munang ipaalam sa iyo na matagal ko nang inaasam na muling makita ang napakatamis mong mga ngiti. Palagi ka na lang kasing malungkot at nakasimangot eh."
"Ama...maligaya naman ako ah..." sabi ni Atlas habang lumuluha.
"Huwag mo nga akong pinagloloko Atlas. Kung maligaya ka, bakit ni minsan hindi man lang kita nakitang ngumiti matapos ang araw na iyon?"
"Dahil..."
"Dahil malungkot ka pa rin hanggang ngayon. Bata ka pa Atlas at mahaba pa ang iyong oras. Marami pang maibibigay sa iyo itong mundong ito. Huwag mong sayangin ang mga pagkakataon. Kung kaya't nais kong hanapin mo ang iyong kaligayahan na siyang magpapabalik muli ng iyong mga ngiti. Kapag ito'y nahanap mo na, huwag mo na itong pakawalan pa. Gusto kong maranasan mo ang maging masaya muli tulad ng aking naramdaman noong makilala ko ang iyong ina……anak, sana’y mapatawad mo ako....tandaan mo na…mahal kita anak....mahal na mahal…kayong dalawa….ng iyong ina…na siyang aking….kasiyahan" Matapos sabihin ng kaniyang ama ang mga katagang iyon, ito'y ngumiti at saka mahimbing nang pumikit at nagpahinga.
Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang pangyayaring iyon at isang linggo na ring pabalik-balik si Atlas sa kwarto ng kaniyang ama upang humanap ng mga 'clues' kung paano niya matatagpuan muli ang kaniyang kaligayahan tulad ng hinihiling ng kaniyang ama. Isang araw, habang muling naghahanap si Atlas ay narinig niyang kumahol si Soa kaya't kanya itong pinuntahan. Nakita niya si Soa na nakaupo sa isang lumang kwaderno sa loob ng isang aparador. Kinuha niya ang kwaderno at saka tiningnan ang nilalaman nito. Napagtanto niya na ito'y isa pa lang lumang talaarawan ng kaniyang ama at may isang bahagi rito na ang nakalagay na titulo ay “Daan tungo sa aking Kaligayahan". Ang natuklasan niyang iyon ay nagbigay sa kaniya ng pag-asa na kaya pa niyang hanapin ang kaligayahang nawala sa kaniyang puso. Kung kaya't noong gabi ring iyon ay naghanda na siya kaagad ng mga gamit na kaniyang gagamitin sa kanyang paglalakbay.
Kinabukasan, umaga pa lang ay umalis na si Atlas kasama si Soa upang puntahan ang lugar na sinasabi sa talaarawan, kung saan natagpuan umano ng kanyang ama ang kaligayahang kaniyang hinahanap din noon. Ang lugar na iyon ay tinawag ng kaniyang ama na “Hankasiya”. Iyon ay matatagpuan sa gitna ng dalawang puno ng Narra sa tuktok ng Bundok Lankawa ayon sa talaaarawan. Ngunit ang bundok na iyon ay tatlong bayan ang layo mula sa bayang pinagmulan ni Atlas kaya’t hindi naiwasang mapaisip ang binata kung dapat nga pa nga ba siyang tumuloy sa kaniyang paglalakbay. Pero sa kabila ng pagdadalawang isip na iyon ay biglang sumagi sa kaniyang isipan ang huling hiling ng kaniyang ama na nagmahal, nagmalasakit at umintindi sa kaniya kahit na naging malamig ang pakikitungo niya rito, kung kaya’t siya’y nagpatuloy.
Halos mag-gagabi na nang nakarating sina Atlas at Soa sa kagubatan ng bayan ng Canbula, ang unang bayan na kanilang kailangang tawirin. Nang sumapit ang hating gabi, habang nagpapahinga't natutulog ang dalawa, biglang nagising si Soa at saka tumakbo palabas ng tent na kanilang ginawa. Nagising din si Atlas nang marinig ang kahol ng kanyang alaga at boses ng isang lalaking tila pinapatahimik ang aso. Lumabas si Atlas at nakita niya si Soa na masayang tumatakbo ng paikot-paikot sa isang lalaking nakatalikod na tila ba'y nagmamadali nang umalis. "Sino ka? Anong kailangan mo sa amin?" tanong ni Atlas sa estranghero. Dahan-dahan namang humarap ang lalaki at saka may pag-aalinlangang sinabing, "M-magandang gabi ho Senyorito, ako po si River, yung anak po ng kasambahay ninyo."
"Bakit mo kami sinusundan?" Tanong muli ni Atlas.
"Nag-aalala po kasi ang aking ina sa inyo. Hindi pa raw po kasi kayo nakapaglakbay ng mag-isa ng sobrang layo kung kaya't pinag-utos niyang kayo'y aking sundan ko upang makasigurong ligtas kayo." paliwanag ni River.
"Hays. Yung matandang yun talaga." Pabulong na sabi ni Atlas.
"Huwag na po kayong magalit senyorito, para rin naman po ito sa kapakanan ninyo eh. At saka, nandito na din naman po ako, sayang naman po yung pagsunod ko sa inyo habang nagtatago. Ang hirap po kaya! Tapos wala pa akong masyadong nadalang gamit kasi ang bilis niyong lumakad. Ayan tuloy, nadala ko lang ay konting damit at mga pagkain, naiwan ko pa yung tent ko--"
"Oo na. Oo na. Ano pa bang magagawa ko? May isa pang tent diyan, gamitin mo kung gusto mo. Halika na Soa." Pagputol ni Atlas sa mabahang litanya ni River at saka bumalik sa loob ng tent.
"Yehey! Salamat ho senyorito! Mabait naman pala kayo kahit suplado! " Sabi ni River na hindi nagtagal ay nakatulog na rin.
Kinabukasan, maaga pa ay muli na ulit silang naglakbay tungo sa susunod na bayan na kanilang tatawirin, ang bayan ng Ninka. Habang nasa kalagitnaan na sila ng bayan ng Ninka, biglang umulan ng malakas kung kaya't nakisilong muna sila sa isang munting tindahan ng kape at  mga libro. Habang iniintay nila ang pagtila ng ulan, may isang nagmamadaling babae ang humila't nagtago sa likuran nina Atlas at River at nagsabing, "Wag mo muna kayong gagalaw parang awa niyo na. Itago niyo muna hangga't di pa lumalagpas ang mga humahabol sa akin." At sumunod naman nga ang dalawa't tumayo pa ng tuwid, maging Soa na kanina'y napakalikot ay umupo na rin ng maayos na tila ba may ginugwardiyahang pagkain. "Asan ka na binibini? Lagot nanaman kami nito eh." Sabi ng isang lalaking nagdaan sa kanilang harapan habang kinakamot ang kaniyang ulo. Matapos na makalagpas ang lalaki, tumayo na ang babae't nagpasalamat sa kanila. "Maraming salamat sa inyo. Hulog kayo ng langit! Whoo" sabi niya na para bang nabunutan siya ng tinik. "Base sa pananamit ninyo mukhang hindi kayo mga tagarito at mukhang mga manglalakbay kayo. Saan kayo patutungo?" Sabi ng babae. "Oo hindi kami taga-rito. Papunta kami sa Bundok Lankawa. May hinahanap kasi itong si senyorito Atlas eh." Sagot ni River sa babae. "Ah ganun ba. Kung sinuswerte ka nga naman! Doon din kasi ako patungo, kaya sasama na ako sa inyo! Halika na bilis, tumila na ang ulan!" Masayang sabi ng babae. "Ha? Teka sandali, hindi ka pa nga namin kilala at maging ikaw ay di rin kami kilala, tapos sasama ka na lang bigla sa amin?" Sabi ni River. "Ay oo nga pala. Ako si Jade, babaeng maganda at matalino. Ayos na ba? Sa biyahe na lang kayo magpakilala baka maabutan pa tayo ng humahabol sa akin este ng ulan. Halika na bilis!" Sabi ng babae sabay hila sa kamay nina Atlas at River palabas ng tindahan. Habang naglalakad sila patungo sa bayan ng Naominda, ang pinakahuling bayang kanilang tatawirin upang maabot ang bundok Lankawa, ay ipinakilala na ni River ang kanyang sarili at sina Atlas at Soa. "Napakatahimik at napakaseryoso naman niyang senyorito mo River. Ni hindi ko man lang nakitang tumawa o ni ngumiti man lang. Di ba sya marunong ng mga bagay na iyon?" Pabirong tanong ni Jade. "Shhhh! Hinaan mo ang boses mo baka madinig ka nya. Suplado at masungit pa naman yan." Pabulong na tugon ni River. "Bakit nga ba napakasungit nyan?" Muling tanong ni Jade. "Marami kasing pinagdadaanan." Sagot ni River. "Ay ganun? Ano ba ang nangyari?" Pag-usisa ni Jade. "Eh kasi--" "Maaari bang huwag kayong mag-usap na tila wala ako rito. Ikaw naman River, di mo na kailangang ikwento pa sa estrangherong iyan ang aking buhay. Kung di ninyo kayang manahimik, umalis na kayo." Sabi ni Atlas sa kanila na naging dahilan naman upang tumahimik ang dalawa. Nang nakarating na sila sa may paanan ng bundok, napagpasiyahan nila na magpahinga na muna't ipagbukas na lamang ang pag-akyat sa bundok. At dahil nga maaga-aga pa, naisipan nina River at Jade na manghuli ng isda upang kanilang maging hapunan samantalang si Atlas ay nanatili sa loob kaniyang tent upang magpahinga.
Ngunit, hindi nagtagal ang pamamahingang iyon ni Atlas sapagkat nagising siya sa malakas na tawanan nina Jade at River habang nangingisda. Hindi naman mapigilang mapaisip ni Atlas kung bakit sila tumatawa sapagkat, ano nga bang masaya sa pangingisda? Wala ka namang gagawin dun kundi mag-intay lang ng mag-intay na siyang nakakabagot. At kung mamalasin ka, wala ka pang mahuhuling isda. Bukod sa wala kang napala, nasayang pa ang oras mo hindi ba?
At  nang akmang tatayo na si Atlas upang puntaha't sitahin sina River, ay sya namang pasok ng dalawa sa kanilang tent. "O, gising ka na pala." Sabi ni Jade habang nakangiti. "Oo, hindi ba halata? Sa sobrang ingay ninyo, sino ba naman ang hindi mabubulabog?" Masungit na pahayag ni Atlas. "Pasensiya na ho kayo senyorito. Eto kasing si Jade eh." Sabi ni River habang kumakamot ng ulo. "Anong ako? Ikaw kaya!" Sagot naman ni Jade habang tumatawa. "Anong ako? Sino ba yung tinalunan ng palaka? Ako ba?" Sabi ni River. "Palaka? Anong palaka?" Tanong naman ng naguguluhan na si Atlas. "Yung palaka kasi tumalon sa akin, pero mas nauna pang tumakbo at tumili sa takot iyang si River kaysa sa akin! HAHAHAHHA! Duwag pala yang si River eh! HAHAHAHAHA! Duwag!" Ani naman ni Jade na hindi na mapigilan ang kaniyang tawa habang tinuturo pa si River. "H-ha? H-hindi kaya ako duwag! Sinong duwag ha? Oy senyorito tulungan mo nga ako dito! Inaaway ako! Sabihin mo nga sa babaeng ito na hindi ako duwag!" Sabi ni River na tila batang nagsusumbong sa kaniyang ina. "Ay nako, huwag nyo nga akong isali dyan." Sabi naman ni Atlas sabay higa't talikod mula sa dalawa. "Grabe ka Atlas! Itinuturing pa naman kitang tunay na kaibigan. Hmp." Sabi ni River na nagkukuwari pang nagtatampo. "HAHAHAHAHA tama yan Atlas. Ganyan nga ang mabuting kaibigan." Sabi naman ni Jade na hanggang ngayon ay di pa rin matigil sa kakatawa. "Ah ganon ah. Pinagtutulungan ninyo akong dalawa. Napakabuti ninyong mga kabigan! Sige humanda kayo sa akin lalong-lalo ka na Jade!" Sabi ni River sabay takbo papunta kay Jade na tumatakbo na rin na para bang nahulaan na niya ang gagawing iyon ni River. Naiwan naman sa loob ng tent na iyon si Atlas na nakatingin sa pintong nilabasan nina River at Jade habang iniisip ang sinabing salita ng dalawa na tila ba'y bago sa kaniyang pandinig. Naiwan rin sa kaniyang puso ang kakaibang pakiramdam na tila ngayon niya na lamang muling naramdaman matapos ang napakahabang panahon.
Sumapit na nag gabi at tulog na ang lahat, ngunit isang kaluskos nanaman ang narinig ni Soa kung kaya't siya'y nagising.
Pumunta si Soa kay Atlas upang gisingin ito ngunit tinalikuran lang siya nito at saka natulog muli. Ganoon din ang nangyari nang puntahan naman ni Soa si River, ito'y tumalikod sa kaniya at natulog ring muli. Mabuti na lamang at nang si Jade ang pinuntahan ni Soa, ito ay gumising at tiningnan siya kahit na halatang antok na antok pa ang dalaga. "Anong problema Soa?" Naalimpungatang tanong ni Jade habang nakapikit pa ang isa niyang mata. Naglakad naman si Soa habang inaamoy ang mga bakas ng isang bagay na tila ba pamilyar sa kaniyang pang-amoy. Nang makita niyang hindi bumabango't nakatingin lang sa kaniya si Jade, ay bumalik siya at itunuro ang daang kaniyang daang tinahak kanina gamit ang kaniyang ilong na para bang gusto niyang sundan siya ng dalaga. "Saan ka ba pupunta Soa? Inaantok pa ako eh." Reklamo ni Jade habang sumusunod kay Soa habang ito namang matalinong aso ay patuloy pa rin sa paglalakad at pag-amoy. "Malayo pa ba Soa? Tinatawag na ako ng higaan ko oh." Tanong nanaman ni Jade. Biglang tumigil ang aso kung kaya't tumigil rin si Jade sa paglalakad. "Ano bang meron— " hindi na naituloy pa ni Jade ang kaniyang sasabihin nang makita niya kung ano o sino ang nahanap ni Soa—ang mga humahabol sa kaniya na kaniyang pinagtataguan. Kung kaya nama'y nagmamadaling tumakbo sina Jade pabalik sa kanilang kampo. Nang sila'y makarating, agad-agad at nagmamadali nilang ginising sina Atlas at River. "Gumising na kayo! Kailangan na nating umalis! Bilis!" Natatarantang sabi ni Jade. "Bakit?! Ano ba ang nangyayari?!" Tanong ni Atlas na kahit na naguguluhan ay bumangon at nag-ayos pa rin ng kaniyang mga gamit. "Mamaya ko na ipapaliwanag, basta't BILISAN NA NINYO!" Sabi ni Jade na para bang ubos na ubos na ang pasensiya. "Sandali! Binibini!" Sigaw ng isa sa dalawang lalaki na tumatakbo na papunta sa kanila. Nanlaki naman ang mata ni River nang makita ang dalawa at sinabing, "Hindi ba't sila yung mga humahabol sa iyo noon?! BAKIT SILA ANDITO?!" Pasigaw na tanong ni River.  "Oo, sila nga! Kaya bilisan niyo na!! Bilis!!" Sigaw ni Jade sabay hila kina Atlas at River palayo sa mga humahabol sa kanila. Ngunit, sa kanilang kamalasan, sila'y umabot na sa isang bangin kung saan wala na silang matatakbuhan. "Nako, patay!" Sabi ni River. "Wala na tayong matatakbuhan!" Natatarantang sabi ni Jade. "Pinagod ninyo ako." Walang emosyong tugon naman ni Atlas. "Ano ba naman yan! Wala na nga tayong matatakbuhan yan pa inalala mo!" Reaskyon naman ni River kay Atlas. "Sensya na ha." Ani ni Atlas. "Ayan na sila." Kinakabahang sabi ni Jade habang nakatingin sa paparating na dalawang lalaking humahabol sa kanila. "Sa wakas Binibini, nahanap ka na rin namin!" Hinihingal ba sabi ng lalaking may bigote't buhok na kulay kahel. "Sumama ka na sa amin binibini at nang matapos na ito!" Sabi naman ng ikalawa. Magsasalita na sana si Jade ngunit naunahan siya ni River na sinabing, "Hindi namin isusuko si Jade!" Sabi ni River na kumuha pa ng kahoy sa damuhan upang gamiting pang-depensa. "Kahit di namin alam kung ano ang atraso niya sa inyo, hinding-hindi namin siya isusuko! Hindi rin kami natatakot sa inyo kasi andito si Senyorito Atlas! Ang aking senyoritong matalino, magaling, malakas, matapang at higit sa lahat, gwapo! Wala siyang inuurungan! Hindi ba senyorito Atlas?"
"O ‘bat nasali nanaman ako diyan?" Bulong ni Atlas kay River. "Sumagot ka na lang senyorito! Kailangan nating tulungan itong si Jade! Tatanungin ulit kita ha." Pabulong na sigaw ring tugon ni River kay Atlas. “Hindi ba senyorito Atlas?!”muling sigaw ni River. “O-Oo naman?!” pasigaw na sagot ni Atlas. “Bakit? Sino ba kayo? Kaano-ano ba ninyo ang binibining iyan?” Tanong naman ng lalaking may kulay kahel na buhok. “Mga kaibigan niya kami! Hindi ba Atlas?” Sagot naman ni River. “K-kaibigan?” tanong ni Atlas kay River at maaaring sa tanong para sa kaniyang sarili na rin. “Oo! Magkakaibigan tayo hindi ba?” sabi ni River habang pinandidilatan na ng mata si Atlas. “Ah, Oo! Kami nga ay….magkakaibigan.” Tugon ni Atlas ng may kakaibang pakiramdam nanaman sa kaniyang dibdib. Na tila ba’y may kandadong matagal nang nakasara ang nabuksan sa kaniyang puso. “Ah ganun ba? Nais lamang naming makausap ang binibini.” Sabi naman ng lalaking walang buhok. “Hindi! Hindi kami papayag! HIN—” hindi naituloy ni River ang kaniyang sasabihin nang busalan ni Jade ng tinapay ang kaniyang bibig. “Hoy River! Huwag ka ngang OA diyan! Kilala ko naman itong mga ito eh.” Sabi ni Jade habang tinuturo ang dalawang lalaki. “Ito si Manong Jose,” tinuro ni Jade ang lalaking walang buhok. “at ito naman si Manong Nardo.” Sabay turo sa lalaking kulay pula naman ang buhok. “Ha?...Ano?... Paano? Bakit? Kailan pa?” naguguluhan at sunod-sunod na tanong ni River kay Jade. “Eh kasi, ganito yan..” panimula ni Jade. “Teka sandali, huwag mong sabihing….Magnanakaw ka?! Tapos, kaya ka sumama sa amin upang ihulog kami sa isang patibong at saka mo kami pagnanakawan?!Pinagkatiwalaan ka namin Jade! Bakit mo—“  muli, hindi nanaman natapos ang sasabihin ni River sapagkat pinasakan siya ng tinapay sa bibig, ngunit sa pagkakataong ito, si Atlas ang gumawa noon. “Napaka-eksaherada mo talaga. Bakit di mo kaya subukang pakinggan muna si Jade?” Sabi ni Atlas kay River na ngayon ay masama nang nakatingin sa kaniya. “Hay. Maraming salamat Atlas sa pagpapatahimik diyan sa lalaking iyan.” Sabi naman ni Jade. “Ganito kasi, ako’y anak ng isang mayamang mag-asawa. Ako lamang ang kanilang kaisa-isang anak, kaya ano bang maasahan mo? Lagi na lamang may nakabuntot sa iyo! Kapag ako’y lalabas ng bahay, may mga alalay pa kong kasama na para bang maliligaw ako. Kapag ako’y kakain ng pagkain sa labas, mauuna pa nilang tikman ang pagkain kaysa sa akin. Kapag ako’y papasok ng eskwelahan may kasama pa akong mga gwardiya. Kapag susubukan kong tumulong magwalis, aagawin nila sa akin ang walis at sasabihing sila dapat ang gagawa ng mga iyon. Kapag maglalaro ako sa labas, hindi nila ako papayagan sapagkat sasabihin nilang mayroon nanaman ako ng lahat bakit kailangan ko pang lumabas? O di kaya’y kung papayagan naman ako, kailangan may nakasunod pa rin sa akin na alalay, kahit na malaki na ako! Nababagot na ako sa buhay ko! Kaya naman naisipan kong tumakas sa amin. Ngunit, wala pang isang araw ay nahanap na nila agad ako.” Sabi ni Jade sabay turo sa sa dalawang lalaki. “Mabuti na lang at nakita ko kayong dalawa, kundi baka nasa bahay lamang ako ngayon, nakakatula’t nangangarap pa ring maranasan ang buhay sa labas. Kaya’t maraming maraming salamat sa inyong dalawa, River at Atlas, dahil pinaranas niyo sa akin ang saya at ligaya kahit sa panandaliang panahon lamang.” Nakangiti at maligayang pahayag ni Jade sa dalawa. Hindi naman naiwasang mapangiti ni River sa pahayag na ito ni Jade, habang itong si Atlas naman ay wala pa ring ekspresyon. Ngunit alam niya sa kaniyang sarili na nararamdaman nanaman niya ang kakaibang pakiramdam na iyon. “Paano ba yan binibini? Sasama ka na ba sa amin ngayon? Ngayong natupad mo na iyong mithiin?” Tanong ni Manong Jose. “Um…hindi pa ho Manong Jose. Hindi ko pa ho kasi natutupad ang isa pa sa aking mga mithiin.” Sabi ni Jade. “Ano pa ba ang isa mo pang mithiin Jade?” Tanong ni River. “Ang makasama kayo hanggang sa matupad na ninyo ang inyong mithiin—ang mahanap ang bagay na matagal nang nawawala kay Atlas.” Sabi ni Jade habang nakatingin kay Atlas na naging dahilan upang mapatingin din si Atlas sa kaniya. “Kung ganun, simulan na natin muli ang ating paglalakbay nang sa gayo’y marating natin iyon habang bago pa lumubog ang araw.” Sabi ni Atlas kina Jade at River na nagppangiti naman sa dalawa. “Ngunit, papaano na ang binibini?” tanong ni Manong Nardo. “Kami na po ang bahala sa kaniya. Ihahatid din po naming siya kapag natapos na namin ang aming paglalakbay. Hindi ba Senyorito?” nakangiting tanong River kay Atlas. “Oo, syempre.” Tipid na sagot ni Atlas. At nag-umpisa na nga silang muli sa paglakad tungo sa kanilang mithiin.
“Mukhang malapit na tayo.” Sabi ni Atlas habang tinatanaw ang kanilang dinadaanan. “Hay Salamat! Mabuti naman kung ganun!” sabi ni River at saka nag-inat ng kaniyang katawan. “Maaari ba akong magtanong? Tutal, hindi na naman ako isang estranghero, maaari na ba ninyo sa akin sabihin kung ano ba talaga ang hinahanap natin?” maingat na tanong ni Jade. Tumingin naman si Atlas sa kaniya at kay River ng ilang sandali at saka naunang naglakad sa dalawa. “Si senyorito Atlas ay tulad mo Jade. Mayaman din siya. Ngunit ang pagkakaiba lang ninyo, wala na siyang mga magulang, walang mga kaibigan, laging nag-iisa at lagi na lang nakasimagot si senyorito Atlas na tila ba wala nang kaligayahang natira sa kaniyang puso.” Mahinahong sabi ni River habang nakatingin kay Atlas na nangnguna sa kanila. “Bakit nga ba palaging naksimangot yang si Atlas? At bakit tila galit siya sa lahat ng tao?” Tanong ni Jade. “Nagsimula kasi ang lahat nang mahalal sa posisyon ang kaniyang ama bilang mayor ng aming bayan. Noong umpisa’y maayos pa naman ang lahat ngunit habang tumatagal, unti-unti nang nauubusan ng oras ang kaniyang ama para sa kanilang dalawa ng kaniyang ina. Umaabot na sa puntong hindi na umuuwi sa kanilang bahay ang kanyang ama upang magtrabaho lamang ng magtrabaho. Pakiramdam tuloy ni Atlas, inagaw na ng taong bayan ang kaniyang ama mula sa kaniya. Nang dahil doon, lumayo ang loob ni Atlas sa kaniyang ama na naging dahilan naman upang mas mapalapit ang kaniyang loob sa kaniyang ina tutal, sila ay laging magkasama. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, sa isang pagdiriwang para sa muling pagkapanalo ng kaniyang ama sa eleksyon, ay may isang lalaking  tumututol sa kaniyang ama ang nagtapon ng granada doon sa lugar na iyon. At dahil likas sa ina ni Atlas ang pagiging matalino’t hindi pagiging makasarili, itinapon nito ang sarili nitong katawan sa granada upang mailigtas ang karamihan sa pagsabog. At tulad nga ng inaasahan, namatay ang kaniyang ina. Sinisi ni Atlas ang kaniyang ama, ang mga bumoto sa kaniyang ama at maging ang kaniyang sarili bilang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina. Buhat noon, inilayo na ni Senyorito Atlas ang kaniyang sarili mula sa mga tao sa paniniwalang, sa huli’y tayo rin ang maiiwan,masasakta’t mawawalan kapag inuna natin ang mga tao sa ating paligid. At buhat din ng araw na iyon, hindi na muling nasilayan pa ang matamis na ngiti ng batang si Atlas.” Mahabang paliwanag ni River kay Jade na ngayo’y nakaramdam ng halo-halong lungkot, pagkadismaya, paghanga at awa para kay Atlas at sa kaniyang pamilya.  “Ganoon pala ang nangyari.” Nalulungkot na pahayag ni Jade habang iniisip pa rin ang mga bagong kaalaman na sa kaniya’y naibahagi. Maya-maya lang ay lumapit na sina Jade at River kay Atlas at Soa na nasa unahan. “Mahahanap mo rin yan Atlas. Naniniwala ako, kami sa iyo.” Biglang sabi ni Jade sabay ngiti kay Atlas.
Sumapit na ang dapit hapon nang matanaw na ng harapan ni Atlas, ang lugar na sinasabi ng kaniyang ama, ang Hankasiya. “Sige Atlas, dito muna kami mauna ka nang maghanap doon. Maghahanap muna kami ni River ng mga kahoy na maaari nating gamiting pang-siga mamayang gabi.” Sabi ni Jade kay Atlas. Hindi naman sumagot si Atlas bagkus ay naglakad na siya patungo sa gitna ng dalawang puno tulad ng sinsabi ng talaaarawan ng kaniyang ama. Nararamdaman ni Atlas ang sabik sa kaniyang puso sapagakat, sa wakas, ay mahahanap na niya ang bagay na matagal nang nawala sa kaniya. Ngunit anong gulat ni Atlas nang wala siyang nakitang kahit na anong maaaring magdulot sa kaniya ng kaligayahan maliban sa isang lumang bangko na nakapwesto sa mismong gitna ng dalawang punong sinasabi sa talaarawan. Nang dahil nga sa pagkadismaya,  sinubukan ni Atlas na tingnan muli ang talaarawan ng kaniyang ama kung papaano niya makakamit ang kaligayahang kaniyang inaasam. Kaniya itong tiningna’t binasa ng paulit-ulit ngunit hindi pa rin niya mawari ang ibig sabihin ng mga katagang: “Dito, dito mismo, sa gitna ng dalawang puno, sa harap ng papalubog na araw, ay aking nahanap ang kaligayahan na kailanma’y di ko na papakawalan.” Na siya nang pinakhuling pangungusap sa talaarawan ng kaniyang ama. Napagsiyahan na lamang ni Atlas na lumapit sa bangko upang doon mamahinga ng kahit na sandal. Sa kaniyang pag-upo, saka lamang niya napansin na mayroon palang mga nakaukit na mga salita sa sandalan ng bangkong iyon.
“09.02.89 natagpuan ang kasiyahan, na kailan man ay ‘di matatapan”
Nang mabasa iyon ni Atlas, naramdaman niya na para bang pamilyar ang petsang iyon kaniya. Ito ba ang kaniyang kaarawan? Hindi. Ito ba ang araw ng kalayaan? Hindi. Ito ba ang kaarawan ng kaniyang ama? hindi. Ito ba ang kaarawan ng kaniyang ina? Hindi. Ano nga ba ang petsang ito? Kailan ba naging maligaya ang kaniyang ama?
Gusto kong maranasan mo ang maging masaya muli tulad ng aking naramdaman noong makilala ko ang iyong ina……anak, sana’y mapatawad mo ako …..tandaan mo na…mahal kita anak....mahal na mahal…kayong dalawa….ng iyong ina…na siyang aking…tanging….kasiyahan
Naalala bigla nila Atlas ang mga huling salitang binitawan ng kaniyang ama bago ito mamaalam. Napagtanto  niya na ang kaniyang ina at siya mismo ang siyang nabibigay ng kasiyahan sa kaniyang ama. Kung kaya’t naisip niya na maaaring ang petsa na naka-ukit, ay ang siyang araw kung kalian nakilala ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Hindi maiwasang magulat ni Atlas nang kaniyang malaman na ang tinutukoy pala na kaligayahang natagpuan ng kaniyang ama ay nagmula rin pala sa isang tao, sa isang taong tulad niya at mga taong kinamumuhian niya. Muling napatingin si Atlas sa mga naka-ukit  at kaniyang napansin na mayroon pa palang iba pang mga nakalagay doon.`
“Sa hindi inaasahang pagkakataon saka dumating , itong kaligayahang nawala sa akin
Sa panahong inaakala kong wala nang pag-asa, na muli ko pang mahanap ang ligaya
Sa panahong akala ko’y ako’y mag-iisa, at di na muli ngingiti pa
Saka dumating itong, sa aki’y nagbigay ng kakaibang paramdam
Na nag-angat sa mabigat na kalooban nitong aking pusong walang pakialam
Ito na pala ang kasiyahan, kasiyahang aking gustong makamtan.”

Nang mabasa  ni Atlas ang munting tulang iyon ay siiya namang pagdating nila River at Jade. “Oh Atlas kamusta? Nahanap mo na ba ang hinahanap mo?” tanong ni Jade habang nakangiti silang dalawa ni River kay Atlas. Lumingon si Atlas at nakita niya ang dalawang taong hindi niya inaasahang dumating sa kaniyang buhay. Ang dalawang tao na hindi niya inaasahang sasamahan siya sa kaniyang pag-iisa. Ang dalawang tao na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. Ang dalawang taong tumibag sa pader ng kaniyang puso. Ang dalawang tao na sumusubok na pangitiin siya. Ang dalawang tao na itinuring siya kaibigan. At ang dalawang tao na nagparamdam sa kaniya ng….kasiyahan.
“Oo…nahanap ko na. Nahanap ko na ang aking kaligayahan.” Sabi ni Atlas sabay ngiti sa dalawa



“Kaya ko ba ng Wala Sila?”
Ni: Marc Emmanuel S.J. Ramos

Sa bayan ng San Jose, ay may isang binatilyong nagngangalang Norbert. Si Norbert ay mula sa isang kilalang pamilya dahil dating kapitan ng barangay ang kanyang tatay na si Manong Berto at sa kanyang matulunging nanay na si Aling Emilya. Bunso siya sa limang magkakapatid sa pamilya at ang dalawa ay may mga asawa na. Si Norbert ay isang tamad at pasaway na anak kaya madalas mo siyang makita pagala-gala sa kanilang bayan mapa-umaga man o gabi kasama ang kanyang barkada. Nakapagtapos lamang siya ng High School at wala ng planong magpatuloy sa pag-aaral. Wala rin siyang trabaho at umaasa pa sa kanyang magulang.
Isang araw ay bigla na lang nagkasakit ang kanyang tatay at dahil dito, nag-alala ang buong pamilya maliban kay Norbert. Agad-agad silang sumugod sa ospital at nalamang malubha na ang kalagayan ng kanilang tatay at magiging mataas ang gagastusin upang maisagawa ang pagpapagamot. Napaisip ang mag-iina at nagkasunduang magtutulung-tulongan para sa pagpapagamot ng kanilang ama. Nakiusap ang magkakapatid kay Norbert na huwag munang magpasaway para hindi na madagdagan ang problema ng pamilya ngunit tila walang narinig si Norbert dahil kinabukasan ay nanghingi nanaman ng pera upang gumala kasama ang barkada.
Habang nagpapagamot ang kanilang tatay at nagsisikap sa pagtratrabaho ang kanyang nanay at mga kapatid ay sinamantala ni Norbert ang pagkakataon na manghingi ng manghingi ng pera sa kanyang nanay sa kadahilanan na kailangan niya ito sa paghahanap ng trabaho. Isang gabi ay tumangging bigyan siya ng nanay niya ng pera dahil ang pera na iyon ay nakalaan na para sa pagpapagamot ng kanyang tatay. Nagalit at nagdabog si Norbert at nakita ito ng kanyang panganay na ate. Lubos na nagalit ang kanyang ate at sinabi sa kanyang nanay na hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho si Norbert at pagala-gala lang sa tabi-tabi. Nanghina ang kanyang nanay sa gulat, pagod, at pagkadismaya nang marinig niya ito. Kinabukasan, habang si Aling Emilya ay bumisita sa kanyang asawa sa ospital, kinausap si Norbert ng kanyang ate,”Norbert nakikiusap ako sa’yo na magpakabuti ka na dahil kita mo naman na sobrang naghihirap ang ating pamilya simula nung magkasakit si tatay. Sobrang kailangan namin nila nanay ngayon ng tulong mo para manatiling kumpleto ang pamilya natin. Ayaw ko lang na kapag nawala na si tatay o nanay syaka mo pa lang ipapakita sa kanila ang tunay mong pagmamahal sa kanila at ipakita na kaya mo pang magbago. Pag-isipan mong mabuti ang mga ginagawa mo sa buhay mo at sa tingin mo ba kaya mong mabuhay ng wala sila?” Pagkatapos sabihin ito ng ate niya ay natahimik siya at pumunta sa kanyang kwarto.
Pagkauwi ni Aling Emilya ay nagmano si Norbert at nanghingi ng pera uli sakanya at nangakong maghahanap na siya ng trabaho. Nangako rin siya na sa paggaling ng tatay niya ay ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Gumaan ang loob ni Aling Emilya at nagbigay ng pera kay Norbert. Bago pa makalabas si Norbert ng kanilang pintuan ay bigla siyang niyakap ni Aling Emilya at nagsabing,”Sabi ko na nga ba kaya mong magbago anak! Tiyak na matutuwa ang tatay mo kapag nalaman niya ito”. Sumagot naman si Norbert,”Akala ko ba ‘Nay gusto niyo akong maghanap ng trabaho pero bakit parang ayaw niyo ata akong palabasin ng bahay.” Natawa si Aling Emilya at naluha sa sobrang tuwa. Agad-agad naman niya itong ibinalita kay Manong Berto at sa sobrang tuwa ay naluha rin siya. Makalipas ang ilang araw ay unti-unti nang gumagaling si Manong Berto at mapapansin mong iba ang sigla niya simula nung malaman niyang may trabaho na si Norbert. Pagkaraan pa ng ilang linggo ay tapos na ang pagpapagamot ni Manong Berto at nawala na ang sakit. Tulad ng pangako ni Norbert ay nag-enroll  na nga siya sa kolehiyo at tumigil muna sa pagtratrabaho. “Una sa lahat gusto kong magpasalamat kay ate dahil kung wala siya, hindi ako mangangarap na mag-aral uli at siguro makikita niyo lang ako diyan sa tabi-tabi pagala-gala. Patawarin nyo ako sa lahat ng pagkukulang at masasama kong nagawa sainyo. Labis ko itong pinagsisisihan at gusto ko ring magpasalamat sainyo dahil sa kabila ng lahat hindi niyo pa rin ako sinukuan at iniwanan. ‘Pag natapos na ako sa pag-aaral, babawi ako sainyo at ako naman ang magtratrabaho. Makakapasyal na tayo kahit saan at kahit kailan dahil magkakaroon na tayo ng una nating sasakyan, pangako yan! At higit sa lahat, gusto kong magpasalamat sa Panginoon dahil kayo ang pamilya ko at hindi naging madamot sa pagkakataon para maipakita ko sainyo ang tunay kong pagmamahal at tuwa kapag kasama ko kayo”, ang sabi ni Norbert sa kanyang buo, masaya, at nagmamahalang pamilya. Natuwa ang buong pamilya lalong-lalo na sina Manong Berto at Aling Emilya dahil sa wakas ay nagbago na rin si Norbert at masusuklian na ang hirap at tiyaga na kanilang ibinigay sa kanilang mga anak. Makalipas ang ilang taon ay nakapagtapos na ng pag-aaral si Norbert at agad-agad na nakapasok sa trabaho sa pagiging isang arkitekto.




PAG-IBIG NA NASAYANG
ni: EJ GIMOTEA


Sa bayan ng trese martires sa Cavite nakatira ang isang batang lalaki na nagngangalang Luis, ngunit ang pakikipagsalamuha niya sa ibang bata sa lugar nila ay sadyang mahirap dahil sa dala-dala niya. Ang pagka pilantod ang humahadlang sa kaniyang kasiyahang dapat ay tinatamo niya sa kanyang murang edad. Lagi siyang nagiging puntirya ng mga manunukso kaya’t gayun na lamang ang kalungkutang kaniyang nadarama, ngunit lahat ito ay nagbago nang matanaw niya ang isang babaeng nakapukaw ng kaniyang mga mata, makikita sa kaniyang mga mata ang pagkasabik na makausap at makahalubilo ang batang babae at dahil sa pagkasabik na ito’y dali-dali siyang lumabas at binuksan ang pintuan ngunit nang siya’y papalapit na sa batang babae ay nagdalawang isip sapagkat nilamon siya ng hiya nang Makita niya ang kaniyang kaawa-awang kalagayan na isang pilantod at hamak na bata lamang, kaya naman bumalik siya sa loob ng kanilang bahay na punong-puno ng kalungkutan.
          Bawat araw ay nakasulyap ang kaniyang mga mata sa bintana inaabangan ang paglabas ng batang babae lubos na nagpabighani sa kaniyang puso at matapos ang mahabang pag-aasam at pag-iintay nagulat na lamang si Luis nang biglang pumasok ang batang babae kasama ang kaniyang ina, dali daling lumapit si Luis sa kanyang ina at tinanong kung bakit may bisitang pumunta sa kanilang tahanan. Doon niya nalaman na magkaibigan ang kanyang ina at ang ina ng batang babae. “Luis eto nga pala si Gabby anak ng aking matalik na kaibigan” aniya ng kaniyang ina, Nagkamay at nagkakilala ang dalawang bata. “Luis mag-usap na muna kayo diyan ni Gabby habang kami ay nagkekwentuhan ditto” utos ng kaniyang ina. Naiwan sa “sala” ang dalawang bata habang ang kanilang mga nanay ay nasa kusina, noong una ay medyo nagkakahiyaan ang dalawang bata ngunit habang tumatagal ay nagkakilala sila ng mabuti. “Saan kayo galing at bakit naparito kayo?” tanong ni Luis, “Galing kami Canada pagtapos maghiwalay ng aking mga magulang at pinili kong sumama sa aking nanay dahil sa bansang ito ako ipinanganak” sagot ni Gabby, “Parehas pala tayo ng kwento ngunit dito sa bansang ito naghiwalay ang aking mga magulang at pinili kong sumama sa aking nanay” ani ni Luis. Dahil sa parehas ang kwento ng kanilang buhay madaling nagkasundo ang dalawang bata at inaya ni Gabby na maglaro sila ni Luis sa labas, ngunit dahil sa kapansanan ni Luis muli siyang nasakluban ng hiya at nagdadalawang isip kung siya ba ay lalabas o hindi, pinilit siya ni Gabby at upang di malungkot si Gabby ay pumayag na rin si Luis na makipaglaro sa kanya sa labas. Habang naglalaro sila ay nakaramdam ng sobrang pagkasaya si Luis ang kanyang ngiti ay abot tenga at tila hindi niya alintana ang hirap niya sa paglalakad dahil sa kanyang kapansanan, bakas kela Luis at Gabby ang sobrang galak sa kanilang mukha buong hapon na iyon sila naglaro kahit madungis at pawisan na ay patuloy pa rin sila sa paglalaro, ngayon lamang nagkakumpiyansa si Luis na makipaglaro sa labas ng kanilang bahay at nang lumabas ang nanay ni Gabby doon naputol ang kasiyahan uuwi na si Gabby at ang kaniyang ina sa kanilang bahay ngunit bago umuwi si Gabby ay nagpasalamat si Luis sa kanya at sinabing maglaro ulit sila bukas. Bawat araw silang maglalaro lalo na’t parehas silang pumapasok sa isang paaralan malapit sa kanilang bayan, habang tumatagal ay lalong gumaganda ang kanilang pagkakaibigan at habang tumatagal ay lalong nakadarama ng kakaibang pakiramdam. Kakaibang kaba’t saya si Luis sa tuwing magkasama sila ni Gabby. Ang kaniyang inosenteng katauhan at puso ay unti-unting nahuhulog ng hindi niya namamalayan at tila siya ay nagkakamabutihan ngunit ang batang si Luis ay di pa naiintindihan ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal , kaya ang kanyang nararamdaman ay pinagsawalang bahala niya muna, habang gumaganda ang kanilang samahan ay patuloy rin ang pagganda ng kanilang grado sa paaralang kanilang pinapasukan kaya’t ganon na lamang ang saya ng kanilang mga magulang sakanila at lubos na nagpasalamat ang nanay ni Luis kay Gabby dahil sakanya napalitan ng saya at galak ang buhay na puno ng kalungkutan ni Luis. Madalas ring kumakain ng sabay si Luis at Gabby sa kanilang bahay kasama ang kanilang mga magulang, kahit anong okasyon ay magkasama sila at dumating ang kaarawan ni Gabby, ginanap ang kaniyang kaarawan sa kanilang bahay dumalo si Luis at naghandog ng isang pulseras sakanya at sinabi na Luis na wag niyang tatanggalin ang pulseras na tanda ng kanilang pagkakaibigan at sinabi ni Luis na wag niyang tatanggalin ang pulseras hanggang di sila nagkakalayo at kung magkalayo man sila ay wag sanang maglalaho ang kanilang pagsasamahan. Habang lumilipas ang panahon ay palaki at padagdag ng padagdag ang edad ang noo’y mga batang maliliit  pa na nakasanayang maglaro sa tapat ng kanilang bahay at di alintana ang dungis amoy ng kanilang pangangatawan. Gayunpaman sabay lumaki si Luis at Gabby at ngayon ay ganap ng binata si Luis at ganap ng dalaga si Gabby na kakikitaan ng tunay na kagandahan mapa ugali man o sa kaniyang kaanyuhang panlabas. Malimit na silang maglaro sa tapat ng kanilang mga bahay, ngunit madalas silang pumasok at umuwi ng sabay, minsan naman ay pumupunta ang dalawa sa isa’t isa upang mag tulungan sa kanilang takdang araling sa asignaturang Matematika at aghamm hanggang sa panahong iyon matibay ang kanilang pagkakaibigan at muling naramdaman ni Luis ang pagmamahal niya kay Gabby ngunit hindi kaagad siya umamin sakanya at muli siyang naunahan ng hiya at katorpehan, upang maipahayag niya ang kanyang nararamdaman para kay Gabby, lihim siyang nagsulat ng liham ng pag-ibig para kay Gabby at dahil sa talento niya sa paggawa ng mga obra lumikha din siya ng isang imahe ni Gabby at iginuhit ito sa isang librong punong puno ng kanyang storya sa buhay, bagama’t magkaklase ang dalawa nagiging tuon sila ng pansin at tuksom akala ng lahat ay may namumuo sa kanilang relasyon ngunit madalas na sinasabi ng dalawa ay magkaibigan at magkababata lamang sila, sa sarili nila may nararamdaman silang pagmamahal at pag-ibig ngunit kailangan muna nila itong ipasantabi at unahin ang kanilang pag-aaral para sa kapakanan ng kanilang sarili at para sa kanilang mga magulang, noong buwan na iyon sasapit ang kapaskuhan halos lahat ng tao sa kanilang bayan ay handa na para sa Noche Buena gayundin naman sina Luis at ang kaniyang ina, naisipan ng kaniyang ina na tawagan sila Gabby upang doon na rin mag Noche Buena at sama sama nilang gugunitain ang kapanganakan kay Hesus, masaya ang apat, nagkakantahan, nagsasayawan at higit sa regalo sa isa’t isa, binigyan ni Luis ng aklat na matematika si Gabby upang makatulong ito sa kanya sa kanyang pag-aaral habang binigyan ni Gabby ng espesyal na damit si Luis na pinagipunan niya ng ilang buwan para mabili iyon. Isang di makakalimutang gabi iyon para kay Luis at Gabby unang beses nilang salubungin ang kapaskuhan ng magkasama, muling nagkaroon ng pagkakataon si Luis upang umamin kay Gabby tungkol sa kaniyang nararamdaman, ngunit bigla na lamang tinawag si Gabby ng kaniyang ina at sinabing “anak uuwi na tayo” “Opo inay susunod po ako” sagot ni Gabby , nagpaalam na muli si Gabby kay Luis, “Luis mauuna na kami ni inay salamat nga pala at kayo ang nakasama namin ngayong pasko” aniya ni Gabby ng nakangiti kay Luis, Pagkatapos ng ilang buwan ay nakaplanong umalis sila Gabby at ang kaniyang ina upang mamasyal sa Maynila, nang araw na iyon ay inaaya nila si Luis at ang kaniyang ina ngunit tumanggi silang sumama dahil marami silang dapat asikasuhin noong araw na iyon, kaya’t si Gabby at ang kaniyang ina lamang ang pumunta sa Maynila, sa haba ng biyahe ay nakatulog ang mag-ina at sa pagdilat ng kanilang mga mata ay nakarating na sila sa Maynila, balak nilang pumunta sa isang tanyag na parke doon, Ang Luneta park ngunit sa di inaasahang pangyayari, habang tumatawid ang kaniyang ina ay ito ring pagdating ng isang humaharurot ng motor hindi napansin ng kanyang ina ang paparating na motorsiklo, binusinahan niyo ngunit huli na ang lahat , nabangga ng motorsiklo ang kaniyang ina at pagbagsak ay tumama ang ulo nito, sa sobrang lakas ng pagkakabagok ng ulo nito napuno ng dugo ang kaniyang damit at dali daling lumapit at humingi ng saklolo sa mga taong malapit doon, ngunit sa kasawiang palad hindi na umabot ng buhay ang kaniyang ina, gumuho ang mundo ni Gabby at nag iisa na lamang siya, naisipan niyang tumawag kela Luis upang sabihin ang nangyari at nang malaman ni Luis at ang kanyang ina nag nangyari dali-daling nag empake ng gamit sila Luis at agad lumuwas ng Maynila upang masamahan si Gabby, naabutan nila si Gabby sa punenarya at doon yumakap ng mahigpit si Gabby kay Luis habang pumapatak ang luha nito at bumabagsak sa balikat ni Luis, nakaramdam ng sobrang pagkaawa si Luis para kay Gabby at patuloy niya itong pinakalma, nakulong ang nakabundol sa kanyang ina at naiburol na rin ang kanyang ina sa kanilang bahay hindi para nababalitaan ng kanyang ama ang nangyari at hindi pa siya handang sabihin ito sa kanya. Lumipas ang isang linggo at nailibing na ang ina ni Gabby at pinatuloy nila Luis at ang kaniyang ina si Gabby sa kanilang bahay, nandoon pa rin ang kalungkutang nararamdaman ni Gabby na nangungulila na sa magulang at ginawa ni Luis ang lahat upang maibalik ang saya sa mga mata ng dalagang si Gabby lagi niyang kinakantahan at madalas ay nag-uuwi ng tsokolate si Luis para kay Gabby, ilang buwan ang nakalipas ay matagumpay si Luis na maibalik ang saya sa mga mata ni Gabby, ngunit isang araw biglang tumawag sa telepono ni Gabby ang kaniyang ama at nabalitaan niya ang nangyari, sinabi ng kaniyang ama na naayos niya na ang papeles ni Gabby at anumang oras at araw ay pwede siyang ipasundo, gusto man niyang manatili sa kanyang kinaroroonan ay wala na siyang magawa kaya isinikreto niya muna ang balita mula kela Luis. Isang araw umuwi ng may dala dalang bulaklak at tsokolate si Luis para kay Gabby, sosorpresahin niya sana ito ngunit ang araw palang iyon ay ang araw ng susunduin na siya ng kaniyang kamag-anak mula Canada na inutusan ng kaniyang amain, nagulat si Luis ng nakita niyang nakaempake na ng kaniyang gamit si Gabby. “Saan ka pupunta?” tanong ng may pagtataka ni Luis kay Gabby “Pasensya na Luis kailangan ko ng umalis dahil pinasusundo na ako ng aking ama mula sa Canada” tugon ni Gabby. Nalungkot ng todo si Luis dahil dapat ng araw na iyon ay magtatapat na siyang ng kaniyang nararamdaman para kay Gabby ngunit umalis na si Gabby at walang katiyakan ang pagbalik niya sa Pinas, nagsisi si Luis dahil noon pa dapat siya umamin at nakapagtapat ng kaniyang nararamdaman para kay Gabby, ngayon ay ang kanyang kayang gawin ay magsulat ng liham para kay Gabby at balak niya itong ibigay sa pagdating ng panahon na dumating at bumalik si Gabby sa Pilipinas.

          Pagtapos ng ilang taon ay nakapagtapos si Luis sa kursong pagduduktor at balak niya na ring magtrabaho agad, tuwang-tuwa ang kanyang ina at nakatapos na si Luis, muling naisip ni Luis si Gabby at inaasahan ni Luis na nakapagtapos na rin ng pag-aaral si Gabby, nasasabik siya at inaasahang magbabalik pa si Gabby, patuloy pa rin siyang gumagawa ng liham pang pag-ibig para kay Gabby at paggawa ng obra na ibibigay niya pagdating ni Gabby. Isang araw ang dumating at nabalitaan ni Luis na kinabukasan ay darating si Gabby sa Pinas upang magbakasyon, sabik na sabik at tuwang tuwa si Luis sa balita at balak niyang salubungin si Gabby mula sa paliparan sa Maynila, kinabukasan, maaga pa lamang ay nakaayos na si Luis at paluwas na ng Maynila, pagdating sa paliparan ay sakto ring pagbaba ng eroplano na sinasakyan ng Gabby, nakangiting nag antay si Luis sa pintuan ng paliparan at pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas si Gabby at agad itong napansin ni Luis, papalapit na si Luis ng biglang may lumapit na isang batang lalaki at kasama ang ama nito, ayun pala ito na ang pamilya ni Gabby , sa sobrang pagkagulat ni Luis ay nabitawan niya ang pasalubong niya sana para kay Gabby at ang mukha ni Luis ay tila hindi maiguhit sa pagkalungkot, parang sinakluban ng langit at lupa ang buhay niya, wala siyang magawa kundi tumalikod at umuwi na lamang sa Trese Martires. Hanggang ngayon ay abot langit pa rin ang pagsisisi niya at bumalik ang lungkot ng kanyang nadarama simula ng siya ay bata pa lamang.

Mga Komento